Title

Federalism Project ni Duterte, Alanganin ayon sa Isang UP Professor
October 26, 2016
Report by: 
Gian Librojo
PROF. PILAPIL DISCUSSING HIS POINTS REGARDING DUTERTE'S FEDERALISM. (Photo courtesy of Prof. Crisline Torres-Pilapil)

Hindi raw sumasang-ayon sa mga pag-aaral ng mga iskolar ng agham pampulitika ang hangarin ni Pangulong Duterte na baguhin ang porma at sistema ng gobyerno ng Pilipinas mula unitary presidensiyal tungong pederal, ayon kay 2016 Jaime V. Ongpin Annual Memorial Lecturer, Professor Gene Lacza Pilapil ng UP Department of Political Science.

Pinalalabas na isang porma ng solusyon, aniya, ang pederalismo para tugunan ang mga tinukoy na problema ng bansa tulad ng gulo sa Mindanao.

Nangangamba rin siya sa bubuo ng Constituent Assembly na babalangkas ng bagong Konstitusyon dahil sila ay mga miyembro rin ng kasalakuyang Kongreso.

Hinihikayat niya ang reporma kaysa sa malakihang overhaul sa sistema ng pulitika. Dagdag pa ni Pilapil, "If you want to be really conservative, some scholars would say: live with the errors or the weaknesses because you might be better with the devil you know than the devil you do not know."

Maidadaan daw sa institutional design ang mga repormang kakailanganin para tugunan ang problema na inaasahang aayusin ng pederalismo.

Si Pilapil ang ika-labinglimang JVO Lecturer. Napili ring JVO lecturer noon sina Prof. Randy David, Justice Florentino Feliciano, Former Senators Mar Roxas, Edgardo Angara, at Fr. Joaquin Bernas, SJ. ###