Title

Ilang mag-aaral mula sa UP Diliman, ibinahagi ang kani-kanilang pag-aaral sa isang colloquium
March 1, 2016
Report by: 
Krystelle Vergara
Larawan mula sa opisyal na Facebook page ng UPD College of Engineering.

Ibinahagi ng tatlong estudyante mula UP Diliman ang kani-kanilang mga pag-aaral sa katatapos lamang na BPI-DOST Science Awards Research Colloquium 2016.

Mga pag-aaral tungkol sa agham at teknolohiya ang naging pokus nina John Andrew Avellana at Charleston Ambatali mula sa College of Engineering, at ni Rafael Dela Rosa na nagmula naman sa College of Science.

Ang tatlong nabanggit ay ang pambato ng UP sa gaganaping BPI-DOST Science Awards ngayong taon.

Sa kanyang talumpati, ibinahagi ni UP Diliman Vice Chancellor for Academic Affairs Dr. Benito Pacheco ang kagandahan ng pagsasagawa ng naturang colloquium.

Ipinaliwanag din ni Pacheco na hindi lamang basta kompetisyon ang dadaluhan ng tatlong estudyante.

Layunin ng taunang BPI-DOST Science Awards na hikayatin at kilalanin ang mga mananaliksik sa larangan ng agham. ###