Title

Mga pangunahing alalahanin ng kababaihan... tinalakay sa forum na Ulat Lila 2016
March 1, 2016
Report by: 
Krystelle Vergara
Ipinapakita ni CWR Senior Researcher Cham Perez ang resulta ng poll na isinagawa ng naturang organisasyon. Larawan mula sa opisyal na Facebook page ng Center for Women's Resources.

Ipinresenta ng grupong Center for Women’s Resources (CWR) ang resulta ng kanilang poll kaugnay ng agenda ng mga kababaihan ngayong eleksyon.

Ayon kay CWR Senior Researcher Cham Perez, mismong mga dumalo sa forum ang naging respondents ng naturang poll.

Nasa siyamnapu't pito ang kabuuang bilang ng mga botante sa naturang poll, habang nasa mahigit animnapu naman ang naitalang bumoto o nagsumite ng kanilang sagot sa naturang poll.

Batay sa resulta ng nasabing poll, narito ang mga agenda na dapat talakayin ngayong eleksyon.

Samantala, pagtulong sa mahihirap naman ang pangunahing katangian na hinahanap ng respondents sa isang pulitiko.

Ibinahagi rin ni Perez ang mga isinagot ng respondents kaugnay ng mga maaaring gawin ng mga kababaihan upang maisulong ang kanilang agenda.

Ginanap ang nasabing forum noong Lunes (February 29, 2016) sa Balay Kalinaw, UP Diliman. ###