Title

Mga posibleng baguhin sa assistantship program ng UP, tinalakay sa isang forum
March 1, 2016
Report by: 
Faith Navarro
Larawan mula sa opisyal na Facebook page ng USC UP Diliman.

Tinalakay sa ginanap na UP Student/Graduate Assistantship Summit ang mga bagong direksyong nais tunguhin ng Office of the Vice Chancellor for Community Affairs (OVCCA) at Office of the Scholarships Student Services (OSSS) para sa assistantship program ng unibersidad.

Isa sa mga pagbabagong nais gawin ng unibersidad ay ang paggamit ng ATM sa payroll ng mga estudyante.

Ayon kay OSSS Officer-In-Charge Prof. Kenneth Jamandre, kasama rin sa nais tunguhin ng assistance program ang pagtatanggal ng ilang requirements.

Ipinaalala rin sa summit ang basic requirements para makapasok sa assistantship ang isang estudyante.

Kasama rito ang Filipino citizenship, pagiging enrolled sa 15 units pataas kada semestre, at magandang academic standing.

Nilinaw naman ni Jamandre ang mga uri ng trabaho na maaaring ibigay sa mga student assistant.

Pinaalala rin ng OSSS na maaari lamang magtrabaho ang mga student assistant tuwing office hours.

Hindi rin maaaring bigyan ng trabaho ang mga student assistant sa oras ng kanilang klase. ###