Title

Usaping agrikultura at rice importation sa bansa, tinalakay sa forum na Ulat Lila 2016
March 1, 2016
Report by: 
Krystelle Vergara
Tinatalakay ni UP CSWCD Prof. Marion Tan ang ilang pangunahing agenda ng mga kababaihan na kinakailangang matalakay ngayong halalan 2016. Larawan mula sa opisyal na Facebook page ng Center for Women's Resources.

Ipinaliwanag sa isang forum sa UP Diliman ang ilang isyu kaugnay ng usaping agrikultura sa bansa.

Sa forum na pinamagatang "Ulat Lila: Alamin ang Agenda ng Kababaihan sa Eleksyon", ibinahagi ni Center for Women's Resources Board Chair at UP College of Social Work and Community Development Prof. Marion Tan ang sitwasyon ng rice importation sa bansa.

Aniya, posibleng tugunan ng pamahalaan ang kakulangan sa pondo ng mga lokal na magsasaka.

Dagdag pa ni Tan, tanging ang pribadong sektor ang nakikinabang sa pag-iimport ng bigas sa bansa.

Isa aniya ang usapin ng agrikultura at rice importation sa mga dapat na isulong ng mga kababaihan ngayong darating na eleksyon.

Ang "Ulat Lila" ay isang forum na taunang inoorganisa ng Center for Women's Resources. ###