Celebrate Life 2019: Pre-event Contests


August 16, 2019 - September 10, 2019 - 8:00 am - 5:00 pm

Mula sa Office of Counseling and Guidance para sa pagdiriwang ng Celebrate Life 2019, narito ang isang imbitasyon para sa mga Isko at Iska!

Lumilikha ka ba ng mga awitin?
Nagsusulat ka ba ng sanaysay at ng tula?
Gumuguhit at nagpipinta ka ba ng mga larawan?
Tara na at sumali sa Celebrate Life 2019 pre-event contests!

Umiikot sa temang “Kalusugang pangkaisipan: Sabayang pagyakap sa kabuuan ng buhay tungo sa malawakang pananaw” ang pagdiriwang ngayong taon.

Sumali sa theme song writing contest at magkaroon ng pagkakataong manalo ng:
1st Place: 7,000 php
2nd Place: 5,000 php
3rd Place: 3,000 php

Para naman sa poster-making, essay writing, at poem-making contests:
1st Place: 5,000 php
2nd Place: 3,000 php
3rd Place: 2,000 php

Maaaring magpasa ng inyong mga malikhaing gawain hanggang Setyembre 10 sa Room 3206, CAL Pavilion 3. Magpatala lang sa https://theshortener.com/hl1 upang makasali.