Usapang Puke


November 23, 2017 - 5:00 pm - 9:00 pm

UP School of Economics Auditorium

Ang “Usapang Puke” (“The Vagina Monologues”) ay kalipunan ng mga monologo patungkol sa mga kababaihan at ang kanilang karanasan sa pagiging isang babae. Ang “The Vagina Monologues” ay isinulat ni Eve Ensler at nagmula sa kaniyang pakikipanayam sa mga kababaihan tungkol sa kanilang pananaw sa pakikipagtalik, pakikipagrelasyon at karahasan laban sa mga kababaihan. Simula nang itanghal ito noong 1996 ay naging bahagi na ito ng mga kampanya upang tigilan ang karahasan laban sa mga kababaihan. Isinalin at itinanghal na rin ito sa iba’t ibang wika at iniakma sa konteksto ng iba’t ibang komunidad.

Ang “Usapang Puke” ay isinalin sa Filipino mula sa orihinal na Ingles ng mga bantog na manunulat na sina Joi Barrios-Leblanc, Luna Sicat-Cleto, at Glecy Atienza.

Ang pagtatanghal na ito ay inihahandog ng Gabriela Youth – UP Dilimankasama ng UP Diliman Gender Office. Ito ay bahagi ng pagdiwang ng International Day to End Violence Against Women (IDEVAW) ngayong darating na November 25. Bahagi ng malilikom mula sa pagtatanghal ay mapupunta sa Bakwit School ng Save Our Schools Network.

Magaganap ang pagtatanghal ngayong November 23, 2017 sa UP School of Economics Auditorium
Set 1: 5-7 PM
Set 2: 7-9 PM
Maaaring bumili ng tickets sa halagang 80 Pesos. Magreserve lamang sa link na ito: https://goo.gl/forms/vHZoBVaqMvz7b5Lg2