Pag-alaala at Paglulunsad: UP Diliman Month Opening


February 11, 2019 - 6:00 pm

UP Oblation Plaza
Ngayong Pebrero 11, sama-sama nating tunghayan bilang isang komunidad ng Unibersidad ng Pilipinas ang paglulunsad ng UP Diliman Arts and Culture Month 2019 na may temang “Lakad-Gunita sa Lupang Hinirang”. 

Mapapakinggan sa paglulunsad ang bagong obra ng Pambansang Alagad ng Sining para sa Musika Ramon Santos na kanyang nilikha para sa natatanging okasyong ito. Tampok ang UP Symphonic Band kasama ang UP Concert Chorus, UP Cherubim and Seraphim, UP Manila Chorale, at UP Chorus Classes.

Sabay-sabay tayong maki-lakad gunita sa paglulunsad ng UP Diliman Arts and Culture Month 2019 ngayong Pebrero 11, ika-6 ng gabi sa UP Oblation Plaza!

Para sa iba pang impormasyon, tumawag sa UP Diliman Office for Initiatives in Culture and the Arts (OICA) 981-8500 local 2659 or 2660 at i-like ang aming Facebook page na UP Diliman OICA:https://web.facebook.com/updiliman.oica/