Honoring Defiance: Ika-42 Theater Season ng Dulaang UP

Inilunsad ng Dulaang UP (DUP) at UP Playwrights Theater (UPPT) ang panibago nitong theater season noong Lunes, ika-14 ng Agosto, sa Wilfrido Ma. Guerrero Theater.

img_8540

Ang ika-42 season ng DUP at ika-26 na season ng UPPT ay may temang Honoring Defiance. “This is for the people who are bold enough to make a stand, this is for the people who are stubborn in their beliefs, for the heroes who dared to swim against the current and fight,” ayon sa Artistic Director ng DUP na si Dexter M. Santos.

dup_2

Apat na produksyon ang itatanghal ng DUP sa panibago nitong season, kabilang na ang “Fathers and Sons” ni Nick Joaquin, na itatanghal rin sa Filipino bilang “Mga Ama, Mga Anak,” “Bagong Kristo” na sinulat ni Aurelio Tolentino, “A Girl is a Half-Formed Thing” ni Eimer McBride, at isang orihinal na produksyong sinulat ni Floy Quintos, na pinamagatang “The Kundiman Party.”

Prebiyu mula sa Fathers and Sons

Pinasilip rin ng DUP ang isang eksena mula sa Fathers and Sons, na itatanghal sa Setyembre 6-24 bilang selebrasyon ng sentenaryo ni Nick Joaquin.

Mabibili ang tiket ng “Fathers and Sons” sa opisina ng DUP sa Palma Hall, University of the Philippines. Maaari ring makakuha ng season pass para sa apat nitong produksyon ngayong taon.

 

Dulaang Unibersidad ng Pilipinas,
Palma Hall, University of the Philippines Diliman
926-1349