Mga Kwento ng Human Trafficking sa MNL Trapik

27990667_10211644672612164_221763416_o

Tatlong kwento ng prostitusyon at human trafficking ang itinampok sa dulang MNL Trapik na itinanghal sa Amelia Lapeña Bonifacio Teatro Papet Museo mula Pebrero 10, 11, 17, at 18.

27935222_10211644672292156_654920628_n

Ang MNL Trapik, na isinulat ni Emmanuel Mante at nasa direksyon ni Christian Dagsil, ay binubuo ng tatlong one-act plays, ang “Ate,” “Cherry Blossom Eskapo,” at “Eva Hamok.” Ipinakita sa dula ang iba’t ibang mga human rights violation na kalimitang nararanasan ng mga Pilipinong biktima ng prostitusyon at human trafficking sa buong mundo.

dav

Bahagi ang nasabing dula ng Fringe Manila 2018, isang “open access, non-curated, uncensored arts and community festival.

Ang dula ay itinanghal ng MATA Productions, isang grupo ng mga estudyante mula sa MA Theater Arts ng UP Diliman. Maaari niyo pang mapanood ang huling dalawang araw ng pagtatanghal ng MNL Trapik sa February 17 at 18 sa Amelia Lapeña Bonifacio Teatro Papet Museo