4,831 mag-aaral, kinilala sa UPD Linggo ng Parangal

"Ease up on your sons and d

“But you must have more faith in your sons and daughters,” wika ito ni UP Diliman Chancellor Tan sa mga magulang ng mga pinarangalang mag-aaral sa katatapos lamang na Parangal sa Mag-aaral 2019. (Kuhang larawan ni Krystelle Vergara)

Kinilala ang 4,831 na mag-aaral ng UP Diliman sa idinaos na Parangal sa Mag-aaral, Hunyo 19.

Kabilang sa mga tumanggap ng parangal ang University Scholars, licensure at bar examination passers, student athletes, student volunteers, mga estudyante ng Unibersidad na naging delegado o nagwagi sa mga paligsahan sa loob at labas ng bansa, at mga iskolar ng UP Diliman Office for Initiatives in Culture and the Arts.

Kauna-unahan namang iginawad ang Diwa ng Diliman award kay Jacob Richard Anthony Lim, isang BS Computer Engineering major, na tumulong sa pagpapalawig ng UPD mobile application. Ginagamit ang nabanggit na app upang magpalaganap ng mga impormasyon sa mga miyembro ng UP Diliman community.

Si Lim ang kauna-unahang ginawaran ng Diwa ng Diliman award.

Si Jacob Lim ang kauna-unahang ginawaran ng Diwa ng Diliman award. (Kuhang larawan ni Krystelle Vergara)

Nakamit ng mga organisasyong Junior Philippine Geographical Society, UP Academic League of Chemical Engineering Students, UP Chemical Engineering Society, at UP Association of Civil Engineers ang Parangal sa Samahang Mag-aaral para sa kani-kanilang proyekto.

Tinanggap naman ng UP Subol Society ang Ignacio B. Gimenez Excellence Award for UP Student Organizations’ Social Innovation Project para sa kanilang proyektong “Padunungan 2018.”

Sa kaniyang talumpati, ibinahagi ni UP Diliman Chancellor Michael Tan na nasa lampas 50 ang bilang ng summa cum laude na magtatapos ngayong Hunyo sa kampus. Aniya, maaaring maiuugnay sa sinasabi niyang “nurturing environment” ng Unibersidad ang patuloy na paghusay ng mga mag-aaral ng UP sa larang ng akademiks, palakasan, at iba pa.

Nakikita ni Tan na malaking tulong sa pagpapaunlad ng edukasyon sa Unibersidad ang mas gumaganda aniyang mga pasilidad at mas dumaraming oportunidad at suporta sa mga estudyante. The students are smarter in the sense that the enabling forces are there—the nurturing environment, nag-iibang parenting techniques… Ang daming mga bagong gusali [and] we have continued to extend whatever we can in terms of resources for the libraries, in terms of the laboratories,” wika ni Tan. Dagdag niya, “We’re expanding the opportunities for students. Dati kasi ‘yung mga grants, binibigay sa mga teacher para maka-attend ng mga conferences abroad and here. Today, we have extended many of those opportunities to our students as well [so that] maka-attend [sila] ng conferences, mga competition. International mobility has improved as well. And we look for all kinds of opportunities to send people out.

Bagaman nagbiro ang Tsanselor hinggil sa pagreretiro ng terror teachers sa Unibersidad bilang salik sa mas dumaraming mag-aaral na nakatatanggap ng mas mataas na mga grade, iginiit naman niyang wala sa pagiging “terror” ang batayan ng mahusay na pagtuturo. “I think a big factor also is that nagre-retire na ang mga terror. At hindi lang passive dito na hinihintay na mag-retire ang terrors. We are very, very conscious about the need to teach the new generation of teachers. Excellence in the heart of teaching is not being a terror. To have a class where no one passes or barely passes is a sign that you are a bad teacher in your class. They have no place here in UP.

Para kay Tan, kinakailangan ang “craziness” sa loob ng Pamantasan upang magpatuloy ang diwang nag-udyok sa ilang administrador ng UP na magtayo ng panibagong kampus sa Diliman. UP Diliman is the product of craziness, in a way. It is the craziness that is bold. It is the craziness that is courageous. And it is the craziness that is very much of commitment—lakas ng loob, willingness to fight for our convictions. And I would like to think that [that] spirit of Diliman 70 years ago is responsible for the excellence here in UP Diliman. We have always stood for things which may not have [been] seen. We would get criticized for sponsoring programs… I think time will prove as right that all these things that we do come out from our hearts [and] our sense of responsibility to the isko and iska ng bayan, and that we will be vindicated here because you, the other crazy guys, have joined us in this crusade. This is my way of saying that in UP Diliman, we honor you for excellence in all fields… in all forms,” paliwanag ng Tsanselor.

Umapela naman si Tan sa mga magulang ng mga estudyante hinggil sa pagpilit sa mga itong magsunog ng kilay. I would like to appeal to the parents to ease up on your sons and daughters. They do not need to be pressured to excel. They will excel because they want to excel. I understand that parents are also under great pressure; you have so much high hopes for them. But you must have more faith in your sons and daughters,” wika ni Tan.

Tumampok din sa Parangal ang pagtatanghal ng UP Dance Company na inalay sa mga University Scholars, UP ConChords para sa mga kinatawan ng Unibersidad sa mga kumperensiya at kumpetisyon sa loob at labas ng bansa, Legato Visual Performing Arts para sa mga pumasa sa bar at licensure exams, UP Concert Chorus para sa mga atleta, at mga student volunteer.

Idinaos ang Parangal sa Mag-aaral 2019 sa University Theater, sa pangunguna ng UP Diliman Office of the Vice Chancellor for Student Affairs.