UPFI Black Beret 2019, idinaos

Kinilala sa idinaos na Black Beret 2019 ng UPFI ang mga pelikulang gawa ng mga mag-aaral sa ilalim ng Film 158, Mayo 21. (Kuhang larawan ni Shane David)

Kinilala sa idinaos na Black Beret 2019 ng UPFI ang mga pelikulang gawa ng mga mag-aaral sa ilalim ng Film 158, Mayo 21. (Kuhang larawan ni Shane David)

Itinanghal at kinilala sa Black Beret Undergraduate Film Showcase ang mga natatanging pelikula mula sa directing classes ng UP Film Institute, Mayo 21.

Lumahok sa nasabing showcase ang mga mag-aaral mula sa Film 158 Directing class sa ilalim ng pagtuturo at paggabay nina Prop. Nick De Ocampo at Ricio Rodrigo.

Iginawad ang mga pagkilala batay sa naging kapasiyahan ng lupon ng mga hurado na kinabibilangan ng mga filmmaker na sina Teddy Tan Jr., Christela Marquez, at David Corpuz.

Nakamit ng mga sumusunod na pelikula at indibiduwal ang mga pagkilala sa idinaos na film showcase:

  • Best Sound para sa pelikulang “Happy Birthday Lolo”
  • Best Production Design para sa pelikulang “Ngayon at Kung”
  • Best Editing para sa pelikulang “Our Love Ends This Summer”
  • Best Cinematography para sa pelikulang “Etoy”
  • Best Screenplay para sa pelikulang “Ang Alamat ng Sari Sari-Sari Store”
  • Best Performance para sa natatanging pagtanghal ng mga artista ng pelikulang “Ngayon at Kung”
  • Audience Choice Award para sa pelikulang “The Winning Team”
  • Jury Prize Award para sa pelikulang “Sinong Tanga?”
  • Best Director para kay Trishtan Perez, direktor ng pelikulang “The Man Who Isn’t There and Other Stories of Longing”
  • Best Picture para sa pelikulang “Ang Alamat ng Sari Sari-Sari Store”

Bahagi ng seremonya ang paggagawad ng black beret sa mga mag-aaral na nagtanghal ng kani-kanilang mga pelikula.