60th Magsaysay awardees, kinilala bilang ‘Heroes of Hope’

Share on Facebook
Share on Facebook Messenger
Tweet about this on Twitter
Email to someone
Ginanap sa Cultural Center of the Philippines ang Presentation Ceremonies ng ika-60 Ramon Magsaysay Awards

Ginanap sa Cultural Center of the Philippines ang Presentation Ceremonies ng ika-60 Ramon Magsaysay Awards. (Kuha ni Carl Sayat)

Ginawaran ng prestihiyosong Ramon Magsaysay Awards ang anim na indibidwal mula sa iba’t ibang bahagi ng Asya, Agosto 31.

Sina Bharat Vatwani at Sonam Wangchuk ng India, Youk Chhang ng Cambodia, Maria de Lourdes Martins Cruz ng Timor Leste, Vo Thi Huang Yen ng Vietnam, at Howard Dee ng Pilipinas ang mga tumanggap ng nasabing gawad.

Tinawag na “Heroes of Hope” ang mga ginawaran ng Ramon Magsaysay Awards, na nagdiriwang ng kanilang ika-60 anibersaryo ngayong taon.

Ipinangalan sa ikatlong Pangulo ng Pilipinas ang gawad na ito, na siyang ibinibigay sa mga natatanging indibidwal at organisasyon na nakapag-ambag sa pagpapabuti ng buhay ng mga tao sa Asya.

Kilalanin ang mga ginawaran ng parangal sa ika-60 Ramon Magsaysay Awards.

Bharat Vatwani

Itinatag ni Vatwani kasama ang kaniyang asawang si Smitha ang Shradda Rehabilitation Center, isang clinic na tumutugon sa pangangailangan ng mga mental health patient. Dahil sa libreng paggamot na kanilang naibigay, mahigit sa 7,000 na pasyente na ang kanilang natulungan.

Ayon kay Vatwani, “The wandering mentally ill are shunned, rejected, and denied. They brave the chilling winters, the searing summers, and the torrential rains for months, years, often decades on end… to correct this injustice, at least in India, was born Shradda Rehabilitation Foundation.”

Sonam Wangchuk

Si Wangchuk na mula sa Ladakh, India ang nagtatag ng Students’ Education and Cultural Movement of Ladakh (SECMOL) na nagbibigay ng edukasyon at tulong sa mga mga batang minorya ng India. Bukod pa rito, isinasagawa rin ng SECMOL ang pagturo sa kanila ng paggamit ng renewable energy at ang pagpapaunlad ng indigenous technology.

Ayon sa kaniya, tila nagkakaroon ng giyera laban sa kalikasan: “A kind of war was declared on nature to ‘conquer’ it, and use its resources, and our schooling system somehow became a training ground for this plunder… at our school in Ladakh when we come up with measures to respond to climate change.”

Hamon naman niya sa mga pinuno ng mundo ang pagbabago ng sistema ng edukasyon na nakatuon sa pagpapabuti ng kalikasan at mga tao.

Youk Chhang

Mahigit 2 milyong katao ang namatay sa Cambodian Genocide noong 1975-1979. Isa sa mga nakaligtas mula rito si Chhang na naglaan ng kaniyang buhay sa pananaliksik sa pagpapanatili ng memorya ng nasabing genocide para sa layuning makakuha ng judicial redress, national rehabilitation, at collective healing.

Pinamunuan niya ang Documentation Center of Cambodia na bahagi ng Cambodian Genocide Project ng Yale University.

Sa kasalukuyan, nakapanayam na ni Chhang ang mahigit 10,000 biktima at naging lider ng Cambodian Genocide, at naibahagi sa publiko ang digital maps ng mga mass grave.

Ayon kay Chhang: “it is important to remember the mistakes of the past. We must remember mistakes as a decisive act at all levels of society from individuals to communities and governments. Remembering mistakes is not easy because it requires us to consciously accept additional pain in the present so that our children will not relive our mistakes in the future. But this is the pathway to justice. Justice will always begin and end with the duty of memory.”

Maria de Lourdes Martins Cruz

Mas kilala bilang Mana Lou, iniwan niya ang kongregasyon ng Canossian Sisters bago ang kaniyang final vows at itinatag ang Secular Institute of Brothers and Sisters in Christ o ISMAIK. Dito, nilayon niyang mapabuti ang pamumuhay ng mga mahihirap sa pamamagitan ng mga programang pangkalusugan, edukasyon, pagsasaka, at iba pang mga self-help program.

Nakatulong rin siya sa pakikipag-usap sa mga sundalo ng Indonesia at mga milisyang Timorese noong 2002, panahon ng transisyon tungong kalayaan ng kanilang estado.

Vo Thi Huang Yen

Kinilala sa Yen sa kaniyang pagkakatatag ng Disability Research and Capacity Development, isang organisasyong naglalayong gumawa ng isang “non-discriminatory society” sa Vietnam at pagtataguyod ng karapatan ng mga persons with disability o PWDs.

Kasama sa mga dumalo sa Presentation Ceremonies si Bise Presidente Leni Robredo.

Kasama sa mga dumalo sa Presentation Ceremonies si VP Leni Robredo na siyang nanguna sa pagbigay ng medalya at sertipiko sa mga awardee. (Kuha ni Carl Sayat)

Kasalukuyang nakatulong na sa mahigit 15,000 PWDs si Yen sa pamamagitan ng pagbibigay ng scholarships, job placements, at donasyon ng mga assistive devices. Bilang isa ring biktima ng polio, ginawaran siya ng Ramon Magsaysay Award para sa kaniyang “dauntless spirit and prodigious energy in rising above her condition; her creative, charismatic leadership in the sustained campaign to break down physical and mental barriers that have marginalized PWDs in Vietnam.”

Howard Dee

Isang businessman, si Dee ang nagtatag ng Philippine Business for Social Progress (PBSP), isang pangkat ng mga negosyanteng nangakong mag-donate ng 2% ng kanilang kita para sa social development, at Assisi Development Foundation (ADF) na may layuning magkamit ng kapayapaan sa pamamagitan ng “development with justice”. Si Dee rin ang namuno ng Tabang Mindanao, isang programang tumulong sa mahigit 2 milyong pamilyang magkaroon ng economic opportunities at pag-unlad ng buhay.