Maya-1 CubeSat ng Pilipinas, naipadala na sa Int’l Space Station

Share on Facebook
Share on Facebook Messenger
Tweet about this on Twitter
Email to someone

Matagumpay na nadala ng Falcon-9 rocket ang kauna-unahang cube satellite (CubeSat) ng Pilipinas, ang Maya-1, sa kalawakan mula sa Cape Canaveral, Florida, Hulyo 29.

Isa sa tatlong CubeSat na bumubuo sa 2nd Joint Multi-Nation Birds Project o BIRDS-2 Project ng Kyushu Institute of Technology (Kyutech) sa Japan ang Maya-1. Isang proyektong may layuning maituro ang buong proseso ng pagbuo ng isang satellite ang BIRDS-2, kasama na ang pagkakaroon ng isang sustainable space program. Kasabay ng Maya-1 ang BHUTAN-1 at UiTMSAT-1 ng Bhutan at Malaysia.

Ang Maya-1 ay may sukat na 10 x 10 x 10 cm.

Ang mga CubeSat ay may sukat na 10cm x 10cm x 10cm at may bigat na 1kg. (Kuha ni Carl Sayat)

“In a way, gusto natin mag-participate ‘dun sa innovation, [at] sa research and development in that area,” ayon kay Dr. Joel Joseph Marciano, Jr., Program Leader ng PHL-Microsat Project. Gumamit ng mga commercially off-the-shelf components ang mga CubeSat na siyang nakatulong sa pagpapababa ng kabuuang halaga ng pagbuo nito.

Maya-1 CubeSat Quick Facts

(Source: PHL-Microsat)

Dimensions  10 cm x 10 cm x 10 cm
 Mass 1 kg
 Launch 29 June 2018 (via Falcon-9 CRS-15)
 Missions

1. Automatic Packet Reporting System Message Digipeater

2. Remote Data Collection by Store and Forward Mechanism

3. GPS Chip Demonstration

4. Detection of Circuit Anomaly Due to Space Radiation

5. Magnetic Field Measurement by Anisotropic Magnetoresistance

6. Image and Video Capture

Ayon kay Marciano, pangunahing layunin ng satellite ang pagkolekta ng datos: “I think what we can look forward to as a country is to arm ourselves with data and information using new technologies like this. We have to support ‘yung pag-develop ng manpower who are capable of building and sustaining ‘yung ganitong klase ng technologies.”

Inimbitahan ang mga estudyante mula sa Philippine Science High School para matunghayan ang launch ng Falcon-9 CRS-15.

Inimbitahan ang mga estudyante mula sa Philippine Science High School para matunghayan ang launch ng Falcon-9 CRS-15. Nagkaroon rin sila ng pagkakataong magtanong sa mga miyembro ng PHL-Microsat. (Kuha ni Carl Sayat)

Samantala, kampante naman ang mga engineer ng Maya-1 na sina Joven Javier at Adrian Salces na magiging matagumpay ang deployment ng Maya-1.

Nakarating na sa ISS ang Dragon Capsule na may dala ng mga CubeSat at inaasahang sa Agosto ang deployment nito sa Low-Earth Orbit.

Makinig sa panayam tungkol sa Maya-1 CubeSat: