MGA TINDIG AT MGA LIKHA: “Atin ang Pinas” sa SONA ng Bayan 2019

Sinunog ang effigy na "Duter-Syokoy" bilang pagtindig laban sa panghihimasok ng Tsina at iba pang bansa sa Filipinas. (Kuha ni Joanna Ellina Reyes)

Sinunog ang effigy na “Duter-Syokoy” bilang pagtindig laban sa panghihimasok ng Tsina at iba pang bansa sa Filipinas. (Kuhang larawan ni Shane David)

“Atin ang Pinas”—ito ang naging awit at sigaw ng mga miyembro ng iba’t ibang sektor na nagsama-sama para sa SONA ng Bayan, Hulyo 22.

Suot at bitbit ang kanilang mga likhang hango sa mga hayop at kagamitang maiuugnay sa mga katubigan, nagmartsa sa Commonwealth Avenue ang mga nagprotesta. Ninais na tumutok sa isyu ng panghihimasok ng Tsina sa Pilipinas, lalo na sa West Philippine Sea, ang mga dumalo sa naging pagkilos. Matatandaang lalong uminit ang usapin hinggil dito bunsod ng ulat ng pagbangga ng isang Chinese vessel sa Filipino fishing boat, Hunyo 9.

Hanggang sa programang idinaos sa harap ng St. Peter’s Parish, tinampok ang mga isyung tulad ng karapatang pantao, karapatan sa lupa, trabaho, at edukasyon.

 

Mga katubigan at mga lupa

MULA SA TUBIG. Nanawagan ang mga nagprotesta sa pamamagitan ng iba't ibang likha na nagpapakita ng mga hayop at kagamitan na maiuugnay sa tubig. (Kuha ni Joanna Reyes)

MULA SA TUBIG. Nanawagan ang mga nagprotesta sa pamamagitan ng iba’t ibang likha na nagpapakita ng mga hayop at kagamitan na maiuugnay sa tubig. (Kuhang larawan ni Joanna Reyes)

Alinsunod sa tema, isang natatanging bahagi ng protesta ang pagtindig laban sa Tsina. Naging matunog ang pagbatikos ng publiko sa paglubog ng Filipino fishing boat na Gem-Ver dahil sa tinaguriang maritime incident sa West Philippine Sea.

Nakiisa ang grupong PAMALAKAYA sa mga panawagan noong SONA ng Bayan na magkaroon ng sarling pagpapasya ang Filipinas sa teritoryo at katubigan nito. (Shane David)

Nakiisa ang grupong PAMALAKAYA sa mga panawagan noong SONA ng Bayan na magkaroon ng sarling pagpapasiya ang Pilipinas sa teritoryo at katubigan nito. (Kuhang larawan ni Shane David)

Tumampok din ang pagtutol sa iba’t ibang proyektong pinagkakasunduan ng pamahalaan sa ibang bansa. Kabilang na rito ang Kaliwa Dam, Laiban Dam, at Chico River Pump Irrigation Project.

Mahalagang bahagi ng usapin pagdating sa mga nasabing proyekto ang dislokasyong kinahaharap ng mga katutubo.

DAM NATION. Bitbit ng mga katutubong nakiisa sa SONA ng Bayan ang kanilang mga panawagang pigilan ang konstruksiyon ng mga mega dam na gagamit sa kanilang lupang ninuno. (Kuha ni Shane David)

DAM NATION. Bitbit ng mga katutubong nakiisa sa SONA ng Bayan ang kanilang mga panawagang pigilan ang konstruksiyon ng mga mega dam na itatayo sa kanilang lupang ninuno. (Kuhang larawan ni Shane David)

Sa isinagawang Midyear Bird Talk ng independent think tank na IBON Foundation noong Hulyo, nilinaw ng kanilang Executive Director na si Sonny Africa na utang ang ipinamamahaging ayuda sa Pilipinas ng ibang bansa sa pamamagitan ng mga official development assistance (ODA).

 

Extrajudicial killings

Nakisama ang mga kamag-anak ng mga biktima ng extrajudicial killings (EJKs) at ang mga political prisoner sa naging martsa at programa noong Hulyo 22. Nanawagan sila sa hustisya para sa mga napaslang—kung saan napabibilang ang mga magsasaka, mga human rights advocate, at mga abogado. Inilapit din dito ang usapin ng red-tagging at ang mga atakeng isinasagawa umano ng Administrasyong Duterte laban sa mga hindi sumasang-ayon dito.

Pinapaligiran si "Ursula Duterte" ng mga 'dikya' na nanawagan laban sa mga atake, pag-aresto, at pagpatay sa mga bumabatikos sa pamahalaan. (Kuha ni Joanna Reyes)

Pinaliligiran si “Ursula Duterte” ng mga ‘dikya’ na nanawagan laban sa mga atake, pag-aresto, at pagpatay sa mga bumabatikos sa pamahalaan. (Kuhang larawan ni Joanna Reyes)

 

MGA MUKHA. Bitbit ng mga kamag-anak ang isang lambat na naglalaman ng mga litrato ng mga napaslang dahil sa giyera kontra drago, na nakapagdulot anila sa paglaganap ng EJKs sa bansa. (Kuha nina Joanna Reyes/Shane David)

MGA BUHAY NA NAKUHA. Bitbit ng mga kamag-anak ang isang lambat na naglalaman ng mga litrato ng mga napaslang dahil sa giyera kontra droga, na nakapagdulot anila sa paglaganap ng EJKs sa bansa. (Kuhang larawan nina Joanna Reyes at Shane David)

Nagmula pa sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang ilang nagbahagi ng kanilang mga karanasan dahil sa mga karahasan umano ng militar at pulisya sa ilalim ng Administrasyong Duterte.

Madamdamin na kinuwento ng mga kamag-anak ng mga napaslang na magsasaka ang sinapit ng kanilang mga mahal sa buhay. (Kuha ni Joanna Reyes)

Madamdamin na kinuwento ng mga kamag-anak ng mga napaslang na magsasaka ang sinapit ng kanilang mga mahal sa buhay. (Kuhang larawan ni Joanna Reyes)

 

Pagkapit-bisig ng mga sektor

Naging matunog ang pagtindig ng mga manggagawa mula sa iba’t ibang kumpanya at bahagi ng bansa para sa katarungan. Kanilang ipinaglalaban ang sapat na suweldo at pagwakas sa kontraktuwalisasyon. Kanila ring ipinadama sa publiko ang galit na kanilang nararamdaman hinggil sa isyu ng paggawa sa bansa.

BOYCOTT. Patuloy ang panawagan ng mga manggagawa ng NutriAsia laban sa kontraktuwalisasyon at para sa makatarungang sahod. (Kuha ni Joanna Reyes)

BOYCOTT. Patuloy ang panawagan ng mga manggagawa laban sa kontraktuwalisasyon at para sa makatarungang sahod. (Kuhang larawan ni Joanna Reyes)

 

750 PESOS—ito ang pinapanawagang national minimum wage ng mga grupo ng manggagawa, na mas mainam anila kung titignan ang pang-araw-araw na pangangailangan. (Kuha ni Joanna Reyes)

750 PESOS—ito ang pinapanawagang national minimum wage ng mga grupo ng manggagawa, na mas angkop anila kung titignan ang pang-araw-araw na pangangailangan. (Kuhang larawan ni Joanna Reyes)

Sa usapin pa rin ng kabuhayan, tumindig din ang mga miyembro ng transport sector para sa inklusibong pag-unlad nito. Itinampok dito ang pagtutol sa jeepney phaseout at mandatory franchise consolidation.

Taas-kamao at bitbit ang mga 'manibela,' ipinarinig ng mga transport group tulad ng PISTON ang kanilang mga panawagan para sa mga kasama nito sa sektor. (Kuha ni Shane David)

Taas-kamao at bitbit ang mga ‘manibela,’ ipinarinig ng mga transport group tulad ng PISTON ang kanilang mga panawagan para sa mga kasama nito sa sektor. (Kuhang larawan ni Shane David)

Kasunod naman ng mga naiulat na pagpaslang at pag-aresto sa mga mamamahayag, lalo na sa mga kritikal sa pamahalaan, tumindig para sa kalayaan sa pamamahayag ang mga alagad ng midya at mga artista ng bayan.

Kalayaan sa pamamahayag ang ipinaglalaban ng mga mamamahayag at artista, lalo na sa kabila ng ilang pag-aresto at pagpaslang sa mga indibiduwal na hindi sumasang-ayon sa pamahalaan. (Kuha ni Shane)

Kalayaan sa pamamahayag ang ipinaglalaban ng mga mamamahayag at artista, lalo na sa kabila ng ilang pag-aresto at pagpaslang sa mga indibiduwal na hindi sumasang-ayon sa pamahalaan. (Kuhang larawan ni Shane David)

Tinatayang nasa 40,000 ang sumama sa SONA ng Bayan ngayong taon, ayon sa mga organizer nito.