CMC Dean Pernia, bagong UP VP for Public Affairs

Share on Facebook
Share on Facebook Messenger
Tweet about this on Twitter
Email to someone
Naisagawa na ang oath-taking ni UP CMC Dean Elena Pernia bilang bagong VP for Public Affairs ng UP System.

Naisagawa na ang oath-taking ni UP CMC Dean Elena Pernia bilang bagong VP for Public Affairs ng UP System.

 

Nanumpa na bilang bagong UP Vice President for Public Affairs si UP College of Mass Communication (CMC) Dean Dr. Elena Pernia, Enero 25.

Sinundan niya si Dr. Jose “Butch” Dalisay, Jr. na nagretiro na sa UP, Enero 15.

Kasama ni Pernia ang kaniyang pamilya, kaibigan, at mga katrabaho nang idaos ang kaniyang oath-taking sa tanggapan ni UP President Danilo Concepcion.

Bahagi ng UP Department of Communication Research si Pernia. May ranggo siyang Professor 12.

Batay sa ulat mula sa UP System website, umupo si Pernia bilang miyembro ng board ng Social Science Division ng National Research Council of the Philippines at ng International Communication Association.

Ginawaran si Pernia ng Communication Excellence in Organization Award noong 2015.

Sa naging panayam ng DZUP, layon ni Pernia na ipagpatuloy ang mga inisyatibo ni Dalisay hinggil sa pagpapaunlad ng mga communication plan at strategy ng pamantasan habang kaniyang isusulong ang cultural exchanges sa pagitan ng UP at iba pang mga pamantasan sa iba’t ibang bansa.

Ipinaliwanag ni Pernia na nais niyang mapaunlad pa ang cultural exchanges habang siya'y VP for Public Affairs.

Ipinaliwanag ni Pernia na nais pa niyang mapaunlad  ang cultural exchanges habang siya’y VP for Public Affairs.

Kasalukuyang dekana ng UP CMC si Pernia. Itinalaga siya noong 2015. Bago ito, una na rin siyang nahirang na dekana noong 2006-2009.