MC, UP Master Dev’t Plan, tinalakay sa SR Diliman Delibs

Share on Facebook
Share on Facebook Messenger
Tweet about this on Twitter
Email to someone

Tinalakay ng mga pinagpiliang nominado ng UP Diliman para sa pagka-Student Regent (SR) ang kani-kanilang bisyon kung tuluyang maupong SR, Hunyo 26.

Sinagot din ng mga nominadong sina Ivy Taroma, Zaira Baniaga, at Renee Louise Co ang mga katanungang ibinato sa open forum ng Diliman Deliberations.

Mula sa kaliwa: Ivy Joy Taroma, Zaira Baniaga, at Renee Co Sinagot ng tatlong nominado ang mga tanong ng GASC mula sa isyu ng Unibersidad hanggang sa mga problemang kinahaharap ng bansa upang mas masuri ang kanilang kaalaman at pananaw. (Kuha ni Aya Fernandez)

Sinagot ng tatlong nominado ang mga tanong ng GASC mula sa isyu ng Unibersidad hanggang sa mga problemang kinahaharap ng bansa upang mas masuri ang kanilang kaalaman at pananaw. (Kuha ni Aya Fernandez)

Sa pagpasa ng Magna Carta, ayon kay Baniaga, kailangan itong palakasin kasama ang pagpapalakas ng mga student organizations na naglulunsad at sumusuporta rito. Para kay Taroma, bagama’t kinikilala niya ang codified na batas, hindi niya sinusuportahan ang Magna Carta dahil hindi siya sang-ayon sa posibilidad ng pagbabayad pa rin ng mga mag-aaral. Naniniwala naman si Co na hindi dapat nagbabangga ang karapatan sa libreng edukasyon at karapatan ng mga mag-aaral.

Nang itanong ang mga nominado sa mga kailangang pagbutihan pa ng susunod na Student Regent, para kay Baniaga, kailangang pagbutihin lalo ang transparency at inclusivity kung saan mas kabilang ang mga mag-aaral sa proseso ng pagdedesisyon. Ayon naman kay Taroma, dapat mas padalasin ang pagkokonsulta sa mga mag-aaral at one-on-one na talakayan. Nais namang tutukan lalo ni Co ang paglabas ng detalye at summaries ng proceedings sa mga mag-aaral.

Sa pagtalakay ng UP Master Development Plan at pagtaas ng rental fees, tutol ang tatlo dito. Para kay Baniaga, repleksyon ito ng hindi pa malaya at mapagpalaya ang edukasyon, at dapat mas bigyang pansin ang pagsama sa mga manininda dahil kasapi sila sa UP community. Binigay bilang halimbawa ni Taroma ang pagpapatayo ng UP Town Center at Techno Hub bilang patunay ng komersyalisadong edukasyon kung saan mas pinapaburan, aniya, ang malalaking korporasyon. At ayon naman kay Co, dapat isulong ang free services na kasama sa paglaban ng libreng edukasyon.

Inalam ni Tierone Santos, kinatawan ng UP Statistics Student Council, ang layunin ng mga nominado patungkol sa UP Master Development Plan. (Kuha ni Aya Fernandez)

Inalam ni Tierone Santos, kinatawan ng UP Statistics Student Council, ang layunin ng mga nominado patungkol sa UP Master Development Plan. (Kuha ni Aya Fernandez)

Si Co ang napiling nominado ng UP Diliman para sa 36th Student Regent Selection. Nagtamo si Co ng 13-6-0 na boto mula sa General Assembly of Student Councils. Matapos ang naganap na university-wide na deliberasyon, dadaan si Co sa huling proseso ng pagpili ng Student Regent sa system-wide na deliberasyon. Magiging kinatawan ng lahat ng mag-aaral ng UP System sa Board of Regents ang itatanghal na SR.

Inaprubahan naman ng UP Visayas Tacloban College Student Council ang nominasyon ni Taroma.