Mga natatanging alumni, ginawaran ng UPAA

Kinilala sa idinaos na UPAA Grand Alumni Homecoming 2017 ang mga natatanging UP alumni. (Kuha ni Ivy Claudio)

Kinilala sa idinaos na UPAA Grand Alumni Homecoming 2017 ang mga natatanging UP alumni. (Kuha ni Ivy Claudio)

Pinarangalan sa naganap na 2017 UP Alumni Association (UPAA) Grand Alumni Homecoming ang mga Distinguished Alumni Awardees, Agosto 19.

Nanguna sa mga pinarangalan sina Supreme Court (SC) Senior Associate Justice Antonio Carpio, Department of Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno, at Senadora Cynthia Aguilar-Villar na kinilala bilang “Most Distinguished Alumni.”

Sa naging talumpati naman ni Carpio sa nasabing okasyon, nanindigan siyang hindi maaaring isuko ng Pilipinas ang laban para sa West Philippine Sea, lalo pa’t pinanigan na ito ng arbitration court sa The Hague, The Netherlands noong 2016.

Tulad aniya ng karangalan ng tao, hindi raw nararapat na lagyan ng presyo ang soberanya ng bansa.

Bilang isa sa mga kinilalang Most Distinguished Alumni Awardee ngayong taon, ibinihagi ni SC Senior Associate Justice Carpio ang kaniyang posisyon kaugnay sa West Philippine Sea.

Bilang isa sa mga kinilalang Most Distinguished Alumni Awardee ngayong taon, ibinihagi ni SC Senior Associate Justice Carpio ang kaniyang posisyon kaugnay sa West Philippine Sea.

Ibinalita naman ng UPAA Council na nagpasa sila ng resolusyong nagsasaad na sisikapin ng UPAA na tumulong sa pagpapalaganap ng tamang impormasyon kaugnay sa isyu sa West Philippine Sea. Maliban dito, sisiguruhin din ng UPAA na gagawa sila ng paraan upang makatulong din sa pagtatanggol sa soberanya ng bansa.

Maliban kina Carpio, Diokno, at Villar, binigyang pagkilala rin ng UPAA ang 31 na UP alumni, isang UPAA alumni chapter, at 10 pamilya. Narito ang listahan ng mga ginawaran ng pagkilala sa idinaos na 2017 UPAA Grand Alumni Homecoming:

Lifetime Distinguished Achievement Awards

  • Ambassador Ambilia Bautista
  • Former SC Justice Vicente Mendoza
  • Dr. Elmer Ordoñez
  • Dr. Ramon Santos
  • Atty. Renato Valdecantos
  • Former UP President Alfredo Pascual

Distinguished Alumnus in Business and Countryside Development

  • Jose Nery Ong

Distinguished Alumnus in Community Empowerment

  • Arnon Rivera

Distinguished Alumna in Corporate Social Responsibility

  • Dr. Milagros Ong-How

Distinguished Alumni in Culture and the Arts

  • Juan Sajid Imao (Sculpture)
  • Prof. Edgardo Maranan (Literature)
  • Raya Perfecto Martin (Film)
  • Jorshinelle Taleon-Sonza (Theatre Arts)

Distinguished Alumnus in Entrepreneurship and Employment Creation

  • Cesar Mario Mamon

Distinguished Alumni in Financial Management Excellence

  • Mona Lisa Bautista-Dela Cruz
  • Eduardo Francisco

Distinguished Alumna in Health Research in Genomics to Advocacy

  • Dr. Eva Maria Cutiongco-De La Paz

Distinguished Alumnus in Medicine

  • Dr. Ramon Gustilo

Distinguished Alumna in Outstanding Community and Public Health Service

  • Dr. Edelina Padilla-Dela Paz

Distinguished Alumnus in Poverty Alleviation and Rural Development

  • Dr. Rolando Dy

Distinguished Alumni in Public Service and Good Governance

  • Congressman Rodel Batocabe
  • Consul General Henry Bensurto
  • Dr. Clarita Reyes-Carlos
  • Senator Francis Joseph Escudero
  • Maria Elma Gacho-Greenwood
  • Dr. Gerardo Legaspi
  • Atty. Jose Lina, Jr.  

Distinguished Alumna in Pursuit of Excellence in Accountancy and Finance

  • Dr. Conchita Manabat

Distinguished Alumnus in Science and Technology

  • Dr. Joel Joseph Marciano, Jr.

Distinguished Alumna in Women Empowerment through Rural Development

  • Dr. Mimosa Cortez-Ocampo

Distinguished Service Award for an alumnus

  • Juanito Abilay

Distinguished Service Award for an alumni chapter

  • UPAA District of Columbia, Maryland and Virginia, USA

UPAA Multigeneration Alumni Family Awards (Four generations)

  • Bello-Jardiolin Family
  • Feliciano Family

UPAA Multigeneration Alumni Family Awards (Three generations)

  • Bello-Pajaro Family
  • Cruz Family
  • Cruz-Gavino Family
  • De Castro Family
  • Diokno Family
  • Gonzales-Segarra Family
  • Reverente Family
  • Samson-Morales Family
Idinaos sa UP Ang Bahay ng Alumni sa UP Diliman ang isinagawang 2017 UPAA Grand Almuni Homecoming. (Kuha ni Ivy Claudio)

Idinaos sa UP Ang Bahay ng Alumni sa UP Diliman ang isinagawang 2017 UPAA Grand Almuni Homecoming. (Kuha ni Ivy Claudio)

Ayon sa UPAA, iginagawad ang UPAA Distinguished Alumni Awards sa mga alumni ng UP na nakapag-ambag nang husto sa kani-kanilang napiling larangan.