Testimonial dinner para sa UP Law 2018 Bar passers, idinaos

Napuno ng kumustahan, halakhakan, at kaligayahan ang testimonial dinner para sa 2018 Bar passers mula sa UP College of Law, Mayo 3.

Ibinahagi ng ilang UP Law Bar passers sa nasabing selebrasyon ang kani-kanilang kuwento ng pagsusumikap at pagtatagumpay sa 2018 Bar examinations.

Kasama ng ilang UP Law graduates sa testimonial dinner ang kani-kanilang pamilya at kaanak.

1245

Nakapagtala ang UP Law ng 83.91% passing rate mula sa 174 estudyante nitong kumuha ng eksaminasyon. Pasok sa Top 10 sina Nadaine Tongco at Patricia Sevilla, na pumang-anim at pumang-pito.

Ipinaabot naman ng UP Law faculty ang mensahe ng pagbati para sa 2018 Bar passers mula sa nasabing Kolehiyo.

Kanila ring ipinaalala sa mga bagong tinaguriang “abogado ng bayan” ang pagsasabuhay sa “honor and excellence” motto ng UP.

6

7

Kabilang din sa mga nagpaabot ng pagbati ang dating dekano nitong si Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen, na ibinahagi ang kahalagahan ng pagpapanatili sa integridad ng batas at ng korte, lalo na sa kasalukuyang panahon.

8

Nagtapos naman ang kanilang selebrasyon sa pag-awit ng UP Law Community ng “UP Naming Mahal,” sa pangunguna ng UP Law Charivari.