UP Maskom alumna, kinilala sa kaniyang ilustrasyon para sa isang children’s book

Share on Facebook
Share on Facebook Messenger
Tweet about this on Twitter
Email to someone
Nakamit ni UP Maskom alumna Ara Villena ang PBBY Alcala Prize ngayong taon. (Kuha ni Tippy Pelayo-Go)

Nakamit ni UP Maskom alumna Ara Villena ang PBBY Alcala Prize ngayong taon. (Kuha ni Tippy Pelayo-Go)

Nakamit ng UP Maskom alumna na si Ara Villena ang PBBY Alcala Prize 2018 para sa kaniyang mga ilustrasyon ng kuwentong “May Alaga Akong Bakulaw” ni Becky Bravo.

Tungkol sa pakikipagkaibigan ng isang bata sa isang “bakulaw” na isang lalaking namatayan ng asawa ang nasabing kuwento ni Bravo.

Igagawad kay Villena ang Alcala Prize medal sa Cultural Center of the Philippines (CCP) kasabay ng pagdiriwang ng National Children’s Book Day, Hulyo 17.

Guhit ni Ara Villena.

Guhit ni Ara Villena.

Taunang ipinagkakaloob ang pagkilalang ito ng Philippine Board on Books for Young People (PBBY) sa natatanging lahok mula sa mga ilustrasyon ng kuwentong nagwagi ng PBBY Salanga Prize sa parehong taon.

Sa panayam ng DZUP kay Villena, ibinahagi niya ang naging proseso ng paglikha ng ilustrasyong batay sa isang kuwentong pambata tungkol sa depresyon, “Bilang isang ilustrador, isa sa mga ini-incorporate ko palagi sa artworks ko, ilaw. Mas gusto kong nagfo-focus du’n sa ideya ng pag-asa, so ginagamit ko yung ilaw at kulay para mas ma-communicate kumbaga ‘yung pag-asa.”

Bilang isang ilustrador, isa sa mga ini-incorporate ko palagi sa artworks ko, ilaw. Mas gusto kong nagfo-focus du’n sa ideya ng pag-asa…

Sinabi rin ni Villena na nakikita niya ang kuwentong ito bilang isang paglalakbay patungong pag-asa at pagpapahayag ng kaniyang estilo ng sining.

Guhit ni Ara Villena.

Guhit ni Ara Villena.

Nakikita rin ni Villena ang kahalagahan ng timpalak sa pagsusulong ng panitikang pambata sa bansa sa pagbibigay ng pagkakataon sa mga ilustrador at kuwentista na makapaglimbag ng kanilang mga likha.

Kalakip ng karangalan, tatanggap si Villena ng gintong medalya, P25,000 cash, at pagkakataong malimbag ang kaniyang mga ilustrasyon para sa nasabing kuwento.

Miyembro rin siya ng grupong Ang Ilustrador ng Kabataan o INK. Nagtapos siya ng kursong Broadcast Communication sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman noong 2014.

Kasama rin ang CCP sa mga naghandog ng nasabing parangal.

Guhit ni Ara Villena.

Guhit ni Ara Villena.