UPCAT 2019 results, nilabas na

Nilabas na ng UP ang listahan ng mga nakapasa sa UPCAT 2019. (Kuha ni Gian Carlo Librojo)

FILE PHOTO. Nilabas na ng UP ang listahan ng mga nakapasa sa UPCAT 2019. (Kuha ni Gian Carlo Librojo)

Nakapaskil na sa tanggapan ng UP System Office of Admissions sa UP Diliman ang listahan ng mga nakapasa sa UP College Admission Test (UPCAT) 2019, Abril 01.

Ayon sa abiso mula sa UPCAT website, inaasahang ilalabas din sa susunod na mga oras para sa online viewing ang buong listahan ng mga nakapasa sa UPCAT 2019. Idinahilan ng kanilang tanggapan ang sinasabing technical preparations sa nahuling paglabas ng resulta sa website nito.

Oktubre 2018 nang idaos ang nasabing eksaminasyon na kinuha ng nasa 80,000 estudyante mula sa senior high school.