UNREQUITED

Share on Facebook
Share on Facebook Messenger
Tweet about this on Twitter
Email to someone

dzup-online-remediated-content-banner

by Rad Pascual and Carlos Laderas

Sa milyong-milyong Pilipino, kakaunti lang rito ang makikilala mo. Magkakaroon ka ng marami-raming kaibigan sa Facebook at i-fofollow ka ng mga schoolmates mo sa twitter pero wala pa sa kakaunti lang naman talaga rito ang tunay mong kakilala. Sa mga kakilala mong ito, iilan lang ang tropa mo, iilang tao lang rin ang best friends mo, at isa lang naman rito ang magugustuhan mo. Pero hindi ka ba nagtataka, na sa napakaraming tao sa mundong ito, saktong doon pa mahuhulog ang puso mo sa taong hindi binabalik ang damdamin mo? Sa pagmamahal, hindi laging happy ending, hindi natin lagi mapagpaplanuhan ang mga mangyayari, at mas lalo nating hindi mapipili ang magkakagusto sa’tin.  Kaya’t pag ika’y nahulog sa puso niya at nahulog ka rin sa friendzone, makinig ka na lang sa ilang audio clips na ito na susubukang ipaliwanag ang pagmamahal.

 

Kelan mo ba malalaman kung umiibig ka na?
Wika ng Ina mo | “Wika ng Pag-ibig

Hindi mo naman masasabing one-sided love ‘yan kung ikaw mismo, hindi mo alam na nagmamahal ka na. Sa episode na ito, aalamin natin kung anu-ano nga ba ang siyentipiko at pilosopikal na sintomas ng isang umiibig. Dito rin tatalakayin ang pagsasama ng konsepto ng wika at pag-ibig

 

Friendzone (“Friends lang kami”)
Tropang Rad’yo |  “Ways to Say: Hind Kayo…: Friends Lang Kami”

Ang one-sided love ay makikita sa iba’t ibang paraan at isa na d’yan ang pagpasok sa “Friendzone.” Sa episode na ito, mapakikiggan natin ang mga personal na karanasan ng mga Katropa nating nasabihan na ng “Friends lang tayo”. Dito rin natin makikita nag pinagdadaanan ng taong nasa isang “Friendzone”.

 

Unrequited love
Tropang Rad’yo | “Zombie Love

Ano nga ba ang depinisyon ng natin ng one-sided o unrequited love. Sa isa na namang episode ng Tropang Rad’yo, malalaman naman natin ang pinagkaiba ng happy crush at unrequited love. Malalaman rin natin dito ang iba’t ibang basehan mg unrequited love.

 

Mixed signals
Psycho o’ Clock Habit | “Halu-Halo, Labu-Labo

Madalas, ang taong paasa nagbibigay ng mga mixed signals at ang taong umaasa, nararamdaman niyang one-sided talaga ang love niya kaya naman sa isang episode naman ng Psych O’ Clock Habit malalaman natin ang basehan kung bakit nga ba nasasabing mixed signals ang kilos o salita ng isang tao.

 

#WalangForever
KALampagan | “Fall Outs #WalangForever

Darating ang araw na malalaman mong hindi mo siya deserve, na #WalangForever at hindi mo siya mamahalin forever. Sa huling clip na ito mula sa KALampagan, tinalakay ang “dark side of interpersonal communication” upang ipaliwanag ang kaugnay nito sa #WalangForever.