Agenda: SONA 2017

Share on Facebook
Share on Facebook Messenger
Tweet about this on Twitter
Email to someone

image

Agenda: SONA 2017

Sa paglalahad ni Pangulong Rodrigo Duterte ng kanyang State of the Nation Address ngayong taon, binalikan ng DZUP 1602 sa special coverage na Agenda: SONA 2017 ang ilang mga usaping naging tampok sa unang taon ng administrasyong Duterte.

 

PODCAST 1. SONA 2016, Ano na?

Ano na ang nangyari sa mga pangakong binitiwan at mga programang inilatag ni Pangulong Duterte sa una niyang SONA noong 2016? Pakinggan ang ulat ni Shane David.

 

PODCAST 2. Paano silang mga batang nagkasala?

Madalas na ibandila ni Pangulong Duterte na prayoridad niya ang peace and order. Sa katunayan, isa sa mga nauna niyang prayoridad ang batas na nagpapababa ng Minimum Age of Criminal Responsibility (MACR).

Paano nga ba dapat tingnan ng lipunang Filipino ang mga batang nagkasala sa batas? Sa ulat ni Angel Merced, tiningnan ang mga alternatibong pananaw na taliwas sa pinapanukala ng binasurang House Bill.

 

PODCAST 3. Silang mga manggagawang kontraktuwal…

Ilang ulit nang sinabi ni Pangulong Duterte na gusto niyang wakasan ang kontraktwalisasyon. Nakipag-usap siya sa mga labor groups at mga negosyante, pero ano na nga ba ang nangyari sa usaping ito?

Alamin sa ulat ni Joanna Reyes kung paano nakaapekto sa usapin ng kontraktuwalisasyon ang polisiya ng Administrasyong Duterte.

 

PODCAST 4. Ang Bangsamoro sa Administrasyong Duterte
Nakaugat sa kasaysayan ang pakikibaka ng mga Moro para sa kapayapaan at self-determination at armadong tunggalian sa Mindanao. Ilang mga pag-uusap din ang inabot bago napirmahan ang binuong Bangsamoro Basic Law (BBL).

Alamin ang kasalukuyang kalagayan ng BBL sa unang taon ng administrasyong Duterte sa ulat ni Therese Fernandez.

 

PODCAST 5. Karapatan at Kalusugan

Isa sa mga prayoridad ng Pangulo ang sektor ng kalusugan. Ano nga ba ang mga proyektong nailatag at naipatupad kaugnay sa health sector sa unang taon ng Pangulo? Paano naman tiningnan ng ilang health advocates ang ilang mga isyung may kaugnayan sa karapatan ng health workers na kinaharap ng administrasyon? Pakinggan ang ulat ni Gian Librojo.