Putri Anak: Isang Selebrasyon ng Komedya

Share on Facebook
Share on Facebook Messenger
Tweet about this on Twitter
Email to someone

Pagpasok sa teatro ay isang pabilog na tanghalan ang bumati sa mga manonood. Maya-maya ay nagdilim ang kapaligiran, kasabay ng pagpasok ng mga musikerong maglalapat ng natatanging musika para sa dula. Magsisimula na ang Putri Anak: Isang Bagong Komedya na itinanghal ng UP Center for International Studies, Sentro ng Wikang Filipino, at UP College of Music bilang pagdiriwang ng Buwan ng Wika.

canon-eos-600d501

Maririnig ang pagtugtog ng mga instrumentong nagmula sa iba’t-ibang bahagi ng Timog Silangang Asya na kinulayan ng Western instruments at mga boses na tila mga anghel —isang nakatutuwang musical experience mula sa kompositor ng musika na si Dr. Verne de la Peña at musical director na si Mary Katherine Trangco.

Sentro ng dulang ito ang karakter na si Putri Anak, isang dalaga mula sa langit na hindi makaalis ng mundo dahil sa pagkawala ng kanyang alampay.

canon-eos-600d572

Siya ay naipit sa hidwaan ng dalawang angkan na pinamumunuan nina Rajah Sulaymon at Sultan Magnaye.

canon-eos-600d600

Ang Putri Anak ay punung-puno ng nakatutuwa at makatawag-pansin na karakter, musika, at diyalogong nakabatay sa tradisyunal na istruktura ng komedya. Ito ay isang selebrasyon ng mayamang mitolohiya ng Pilipinas at pagpapamalas ng malawak na kultura ng mga karatig-bansa sa Asya, tulad ng choreography na kumuha ng inspirasyon mula sa Bharata Natyam ng India, Tari Java ng Indonesia, Kabuki Theater ng Japan, martial arts, Sagayan, Arnis, at Pencak Silat.

canon-eos-600d541

Bukod pa rito, higit na napapanahon rin ang tema ng pagkakaisa at pagkakasundo na dapat makamit ng dalawang pinuno sa dula upang matalo ang Bakunawa, isang halimaw na kalaunan ay siyang nagbuklod sa dalawa.

Ang Putri Anak ay itinanghal noong 23-25 ng Agosto, 2017 sa GT Toyota Auditorium, UP Diliman.

(Ang naunang bersyon ng artikulong ito ay kumilala kina Dr. Verne de la Peña at Mary Katherine Trangco bilang mga kompositor ng nasabing produksyon. Ito ay naiwasto na. Si Dr. Verne de la Peña ay ang kompositor at si Mary Katherine Trangco ang musical director. Kami po ay humihingi ng paumanhin sa pagkakamaling ito.)