Host: Kim Bernard G. Fajardo
Guests: Mr. Generoso Villanueva, President, ABS-CBN Rank and File Union
Bagamat hindi pa nakababalik sa free TV at radio ang ABS-CBN, naging tuloy-tuloy naman ang produksyon nito ng mga content sa pamamagitan ng iba’t ibang content distribution platforms gaya ng iWant TFC, Netflix at IFlix at blocktiming arrangements sa TV5 at ZOE TV.
Dahil dito, ilan sa mga natirang empleyado ng ABS-CBN ang doble-kayod ngayon upang mapunan ang mga bakanteng posisyon na kinakailangan upang maitawid ang produksyon. Kumustahin natin ang mga uring manggagawa sa ABS-CBN ngayong papasok ang kumpanya sa ikalawang taon ng shutdown? At ano ang inaasahan nila sa pagpapalit ng administrasyon sa Hunyo?
#POLIECONversations4Ps