Nangako si Kali na sasamahan niya ang kanyang fashionistang kaibigan na si Naya na magshopping ng mga damit. Hindi alam ni Naya na dadalhin siya nito sa ukay-ukay, dahil mas makakatulong daw ito sa kalikasan. Pag-uusapan nila ang “fast fashion” at ang masamang epekto nito sa kalikasan. Kasama ang mga eksperto, malalaman nila ang konspeto ng sustainability, at sustainable living. Anu-ano kaya ang mga sustainable practices na pwede at kayang gawin ng mga kabataan?
Dahil sa kanilang mga natutunan, magbabago ang isip ni Naya sa pagbili ng damit dahil naisip niyang hindi pa naman niya kailangan ng mas maraming damit.
Kali promised Naya, her fashionista friend, to go clothes shopping with her. Little did Naya know that Kali will be taking her to an ukay-ukay, since it is more environment- friendly. They talk about “fast fashion” and its negative impacts to the environment. Through experts, they learn more about sustainability and sustainable living. Let’s find out how the youth can actually practice living sustainably.
In the end, Naya chooses the more sustainable option to not buy clothes since she didn’t need more of them.