Hindi matutuloy ang taunang pa-liga sa beach volleyball sa pagitan ng mga baranggay dahil sa nagbabadyang pag-bagyo. Dismayado sina Kali, Naya, at Alab kaya naisip nilang mag-imbestiga kung bakit nga ba bumagyo kahit pa tag-init. Hinuha ni Kali, dahil ito sa climate change.
Sa pag-engganyo sa kanila ni Kap Tina, nagsimula silang magtanong sa mga ka-barangay, at malalaman nilang iba’t iba ang paniniwala at kaalaman ng mga tao tungkol sa climate change. Makikipanayam din ang magkaibigan sa mga eksperto para mas maunawaan ang climate change.
Makikita nina Kali na mainam itong pagkakataon para sa isang information campaign tungkol sa climate change sa kanilang barangay.
The annual inter-barangay beach volleyball competition will not be pushing through next week due to an impending typhoon. Disappointed, Kali, Naya, and Alab decide to investigate why a typhoon has come in the middle of summer, with Kali thinking that climate change may be to blame.
Kap Tina encourages the three friends’ quest, and they speak to experts to better understand climate change. They will also learn that people have different beliefs and knowledge about climate change.
Kali sees this as a good opportunity for an information campaign about climate change in the barangay.