Pumalo na sa halos tatlumpong porsyento ng mga enrolled students ang nakakuha na ng unang iniksyon kontra COVID-19.

Ayon kay Commision on Higher Education (CHED) Chairman Popoy De Vera, katumbas ito ng higit sa isang milyong mag-aaral. 

Sinabi niya ito bilang tugon sa mga pahayag ng ilang grupo na nagsasabing ang kanilang ahensya pati na ang Department of Education (DepEd) ay kulang sa mga mahahalagang health protection measures katulad ng pagbabakuna para sa ligtas na pagbabalik ng limited face-to-face classes.

“Higher education institutions (HEIs) are already doing school-based vaccination since October 15, 2021, we are targeting November and December as vaccination months for higher education students,” paliwanag ni De Vera.

Pinag-uusapan na rin aniya ng masinsinan ng mga lokal na pamahalaan ang pagsasagawa ng antigen testing.

Samantala, ngayong Huwebes, November 11 ang huling araw ng pagpaparehistro para sa mga eligible students ng UP Diliman at UP Intergrated School na may edad 12 hanggang 17 para sa UP Diliman’s Bakunahan sa Diliman sa Sabado, November 13.

Ayon kay University Student Council (USC) Chairperson Jonas Abadilla, bakunang Moderna ang matatanggap ng mga nasabing mag-aaral. DZUP

By using this site, you are giving permission to store and access cookies, unique identifiers, personal data, and information on your browsing behavior on this device. Privacy information is available here, and terms are available here.