Sinimulan na ng University of the Philippines-Visayas ang pagtanggap para sa nominasyon sa BANTALA: UPV Media Excellence Awards simula noong ika-28 ng Oktubre, 2021.
Inilunsad ang BANTALA UPVMEA nitong ika-25 ng Marso, 2021 para kilalanin ang husay at responsableng kontribusyon ng mga media practitioners at journalists sa Western Visayas.
Ayon kay Dr. Zoilo Andrada Jr., Project Development Assistant for Mass Media and Communication of the Office of the Chancellor ng UP-Visayas, ang BANTALA ay isang salitang Hiligaynon na ang ibig sabihin ay to notify o to announce na anya ay pinakamagandang salita para ilarawan ang nasabing award giving body ng unibersidad.
“The idea of having this award giving body for UP-Visayas started with a very simple talk with the Chancellor Clement Camposano, as we discuss matter about media, we mention about the performance of our local journalist and then jokingly suggest why not give an award to local journalists and media practitioners and then that started everything,” kwento ni Dr. Andrada.
Binuo ang BANTALA para malaman ang kasalukuyang papel ng media lalo na kung ano ang kayang gawin ng local media para lumikha ng malaking ambag sa lipunan bilang mga media influencers.
Pamantayan at kategorya
Paliwanag ni Dr. Andrada, apat na pamantayan ang kanilang titignan sa isang istorya at practitioners para makapag-uwi ng parangal sa dalawang kategorya– ang Traditional Media (television, radio at print) at Digital Media (Social Media, blog at website).
Sa bawat subcategory ay magkakaroon ng dalawang awards—ang Story of the Year at ang In-Depth Report of the Year.
“Actually we are looking, we are in search for excellent media stories and practitioners wherein they carrying the stories, the content that are relevantly addressing national challenges thru regional coverage, meaning there’s really a touch of Region 6 in terms of data gathering, writing and reporting,” dagdag paliwanag ni Andrada.
Masusing titingnan naman ng unibersidad sa mga magiging nominado ang apat na pamantayan– Una ang deepening participatory democracy; protecting human rights; addressing various forms of social and cultural marginalization at ang pinakamahalagang issue ayon kay Andrada ang Fight against disinformation.
“All of these challenges should reflect in the stories that will be submitted for BANTALA,” paglilinaw ni Andrada.
NOMINASYON AT PAGPILI
Ang mga nominees ay dapat active media practitioners na nakabase sa Western Visayas na kasalukuyang nagtatrabaho sa isang kilalang media agency o “self publishing practitioner” sa loob ng hindi bababa sa tatlong taon na may page o blog na may followers na 500 katao.
“Somebody can nominate Journalist he knows, or Journalist himself can nominate himself, pwede siya mag-nominate ng self niya if he believes that he also qualifies,” ani pa Andrada.
Sa pagsala naman ng mga nominasyon, magkakaroon ng screening committees sa bawat probinsya ng Western Visayas (Aklan, Antique, Capiz, Iloilo at Negros Occidental) na siyang titingin sa mga entries sa kanilang lugar para sa final judging.
Binubuo sila ng mga professionals at professors na may background sa mass communication, journalism, democracy at disinformation.
“In every province kasi there will be screeners, the screeners are going to select Top 3, so there will be three screeners for every province,” paliwanag ni Dr. Andrada
Magsisimula naman ang pagsala at pagpili ng mga entries sa Enero hanggang Pebrero 2022.
Magtatapos naman ang submission of entries sa ika-15 ng Disyembre, 2021 at sila ay pararangalan sa Marso 2022. DZUP