Lusot sa sa ikalawang pagbasa sa mababang kapulungan ang panukalang batas na magpapalakas sa Commission on Higher Education o (CHED) nitong Martes.
Sa pamamagitan ng voice vote, inaprubahan ng Kamara ang House Bill No. 10282 o “An Act Strengthening the Commission on Higher Education and appropriating funds therefor amending for the purpose Republic Act No. 7722 o ang “The Higher Education Act of 1994”.
Layunin ng nasabing panukala na inihain ni Baguio City Lone District Representative Mark Go na palawigin ang mandato ng CHED sa pamamahala at regulasyon ng mga programa na nasa lahat ng higher education institutions.
Bukod dito, layon din nito na mapaganda ang organizational structure ng ahensya sa pamamagitan ng paggawa ng karagdagang posisyon at mga opisina sa lalawigan para sa pagpapabilis ng kanilang serbisyo.
Samantala, ihinain din ni Rep. Go ang House Bill No. 10284 o ang State Universities and Colleges o SUC’s Mental Health Services Act.
Sa nasabing panukala, binibigyan nito ng mandato ang CHED na bumuo ng isang Mental Health Office sa lahat campus sa bansa.
Magkakaroon naman ng campus hotlines para sa mga mag-aaral na nakararanas ng mental health issues oras na ito ay maisabatas.
Uupan ito ng mga eksperto sa guidance counseling na makakatuang naman ng mga kawani ng mga paaralan. DZUP