Nagdiwang ng ika-49 na taong pagkakatatag ang College of Arts and Sciences (CAS) ng University of the Philippines Los Banos.
Isang online recognition at testimonial program ang isinagawa para alalahanin ang kasaysayan ng nasabing kolehiyo mula sa pagsisimula nito bilang College of Science and Humanities noong taong 1972.
Pinarangalan din ang mga CAS retirees pati na rin ang mga natatanging kawani at mag-aaral.
Kinilala si Dr. Inocencio E. Buot Jr. bilang 2021 CAS Outstanding Senior Researcher, habang ang Microbial Diversity and Biotechnology Research Team ng Institute of Biological Sciences (IBS) ay pinangaralan 2021 CAS Outstanding Research Team.
Natanggap naman ng Aquatic Zoology Research Laboratory ng IBS ang 2021 CAS Outstanding Extension/Public Service Team/Program Award.
Binigyang parangal din si Rhona Anenias ng Office of College Secretary bilang 2021 CAS Outstanding Administrative Personnel sa office personnel category at John Leonell Vargas ng Institute of Mathematical Sciences and Physics bilang 2021 CAS Outstanding Administrative Personnel sa technician/craftsman category.
Tinanggap naman ng dalawang mag-aaral na sina Jamie Nicole Millan ng BA Communication Arts at Louise Gabrielle Talip ng BS Computer Science ang 2021 CAS Outstanding Students Award.
Ipinakita naman ni Dean Maribel Dionisio-Sese ang kanyang pasasalamat sa lahat na ginawa ang lahat ng kanilang makakaya sa kabila ng pagsubok dala ng pandemya.
“It is the people who man the pillars and portals, and those who pass through them who make academic institutions such as college, the College of Arts and Science, truly great,” sabi ni Dean Sese. DZUP