Naatras ng isang linggo ang 52nd General Assembly of the Student Councils dahil sa pagtaas ng COVID-19 cases at epekto ng Bagyong Odette.
Ayon sa anunsyo ng University of the Philippines Office of the Student Regent (OSR), mula Enero 28 hanggang 29, 2022 mauusad ang nasabing pagtitipon sa February 4 hanggang 5, 2022.
“After consultation with USC Chairpersons, considering the rise of COVID Infections among SC officials and ongoing recovery efforts from Typhoon Odette in Visayas and Mindanao, the 52nd Convection of the General Assembly of the Students Councils shall be moved one week later.”
Bukod dito, iniatras din ng OSR ang mga petsa ng deadlines kaugnay sa GASC, Enero 24, 2022 na ang deadline para sa pag-rehistro ng mga representatives at sending rosters at CBLs.
Enero 30, 2022 naman ang deadline para sa proposed resolutions at paglalabas ng GASC kits.
Maaari namang mag-rehistro ang mga UP Student Councils dito habang ang mga UP Students Publication ay dito.
Samantala, dahil sa pagsasailalim ng lalawigan ng Laguna (kung nasaan ang UP-Los Banos) sa Alert Level 3, hindi na gaganapin na pisikal ang nasabing pagtitipon ngunit birtuwal na lang.
“Due to the declaration of Alert Level 3 in Laguna and rising number of COVID cases in the Philippines, the 52nd Convection of the General Assembly of the Student Council will not be holding a physical assembly.” DZUP