Nadiskubre ng isang guro sa University of the Philippines Los Banos (UPLB) ang bagong species ng Tristaniopsis sa Myrtacae family katulad ng makopa at bayabas.
Ayon sa UPLB, nadiskubre ni Professor Edwino S. Fernando kasama si Dr. Peter G. Wilson ng Australian Institute of Botanical Science ang isang bagong uri ng puno at ang kanilang findings ay nailathala bilang journal article sa Telopea Journal of Plant Systematic nitong October 29.
Ang Tristaniopsis flexuosa ay isang maliit na puno na umaabot sa tatlong metro ang taas ay makikita lamang sa Pilipinas partikular na sa Mount Redondo sa Dinagat Islands.
“Tristaniopsis flexuosa does not show clear affinities to any other Philippine species. Morphologically, it most nearly approaches Tristaniopsis elliptica, a species from Borneo that occurs on ultramafic substrates at some locations, particularly in the vicinity of Mount Kinabalu,” paliwanag ng mga researchers sa kanilang artikulo.
Ayon pa sa mga nakadiskubre nito, mayroong apat na iba pang Tristaniopsis species ang nakita sa bansa pero ang flexousa ay walang pagkakatulad sa kanila.
“The two species are likely to be sister taxa but their respective geographic areas are about 1000km apart and have been separated since the formation of the Sulu Sea from the early to mid-Miocene through to the late Miocene when it reached its present extent,” dagdag pa nila.
Ang nasabing puno ay may maliliit na dahon at may kulay abong bark.
Sinabi naman ng UPLB na ang mga specimen ng mga bagong species ng puno at halaman ay nakalagak sa UPLB Museum of Natural History (MNH) Forestry and Wood Collection. DZUP