Inanunsyo ng UP Diliman School of Urban and Regional Planning (SURP) ang pagtawag para sa nominasyon para sa pag-kadekano ng nasabing institusyon nitong Miyerkules.
Ayon sa Search Committee for Deanship ng SURP, nagsimula ang call for nominations noong Enero 12 at tatakbo hanggang 24, 2022.
Sinabi pa ng kumite na kinakailangan ng nomination letter na may pirma ng nominator at dapat nakapaloob dito ang justification for nomination pati na rin contact details nito.
Dapat din na ipasa ang buod ng curriculum vitae ng nominee at nominees’ signed letter of acceptance na nagsasabing gusto nitong magsilbi bilang dean ng institusyon.
Kabilang sa mga maaaring mag-nominate ay ang SURP Faculty, REPS, administrative personnel, mag-aaral, alumni, UP constituents at iba pang interesadong stakeholders.
Samantala, ang mga nominado ay dapat na Filipino Citizen, may commitment sa academic freedom at iba pa. Maaring ipadala sa email ang nomination papers kay Chair of the committee Professor Jose Maria P. Balcameda, Ph. D dito. DZUP