Pumanaw na si dating University of the Philippines College of Law Dean Merlin Magallona sa edad na 87 nitong January 1, 2022.
Nagtapos ng Bachelor of Laws mula sa UP Law si Magallona kung saan din siya nagturo ng International Law at nakilala bilang isang scholar at nangungunang practitioner nito.
Nagsilbi siya bilang Dean ng UP College of Law mula 1995 hanggang 1999, Associate Dean taong 1991 hanggang 1995 at Director ng UP Law Center’s Institute of International Legal Studies mula taong 2000 hanggang 2001.
1999 ng i-nominate ng Judicial and Bar Council (JBC) si Magallona bilang Associate Justice ng Korte Suprema.
Taong 2001 naman ng ibigay sa kanya ang posisyon bilang Undersecretary of Foreign Affairs hanggang 2002 at naging miyembro rin siya ng Expert Group on the Legal Aspects of the New International Economic Order na itinatag ng UN Institute on Training and Research taong 1992.
Ilan sa mga naisulat na aklat ni Dean Magallona ang Globalization and Sovereignty: The Republic In Crisis (2017); Legal Education: The Search for its Strategic Center in Filipino Cultural Development (2016) at The Philippine Constitution and International Law (2013).
Inilarawan naman si Magallona bilang “Filipino Luminary in the Field of International Law,” Pillar of the Philippines’ International Legal Academy” at isa sa pinakamahusay na Justice ng Korte Suprema ng kanyang mga kaibigan, dating mag-aaral at kasamahan. DZUP