Nagpahatid ng kagalakan ang Department of Education (DepEd) sa publiko dahil sa high approval rating na natanggap ng kagawaran.
Sa Pulse Asia’s Ulat ng Bayan Survey na ginanap noong Disyembre 1-6, 2021, natanggap ng DepEd ang 76 percent na overall approval rating, 7 points ang itinaas nito kumpara sa Septyembre 2021 na survey.
Nakuha rin ni Education Secretary Leonor Briones ang pitong puntong taas sa kanyang approval rating bilang pinuno ng kagawaran.
“We would also like to thank our Education stakeholders for expressing their satisfaction with our preparations for the implementation of limited face-to-face classes. In the same study, majority of Filipinos (70%) said they were satisfied with DepEd’s efforts to reintroduce face-to-face classes amidst the pandemic. For this achievement, UNICEF awarded DepEd a 5 star rating,” bahagi ng kanilang pahayag.
Samantala, nitong nakaraang buwan, hinirang ang DepEd bilang pinaka pinagkakatiwalaang ahensya ng pamahalaan nang matanggap nito 91 percent trust rating sa 2022 Philippine Trust Index (PTI) survey na sinagawa ng EON Group.
“Sinasalamin ng mga papuri ng ating kapwa Pilipino ang commitment at determinasyon ng bawat guro,non-teaching personnel, partner at kawani ng DepEd na matapang na tinanggap ang hamon ng dekalidad na edukasyon sa gitna ng mga mapanubok na panahon.” DZUP