Kinansela ng University of the Philippines Office of the Vice Chancellor for Academic Affairs (OVCAA) ang Faculty Summit para sa gradual reopening ng mga campus para sa ikalawang semestre ng Academic Year 2021-2022.

Ayon sa Memorandum Number OVCCA-MTTP 22-002, orihinal itong naka-schedule bukas, Enero 12, 2022 pero dahil sa kasalukuyang mga pagbabago dala ng bugso ng kaso ng COVID-19 kaya’t na-postponed ito.

“In compliance with the OVPAA MEMORANDUM 2022-03 dated 9 January 2022, I would like to inform you the following developments occasioned by the current upsurge of COVID-19 cases nationwide: The Faculty Summit on the gradual reopening of campuses in the Second Semester (Academic Year) AY  2021-2022, originally schedule for January 12, 2022, has been postponed,” bahagi ng nasabing memorandum.

Bukod dito, inaatasan din ng OVCAA ang mga constituent units nito na magpasya tungkol sa adjustment sa deadline ng pagpapasa ng mga grades ng unang semestre ng AY 2021-2022.

Kasama rin dito ang posibilidad na readjustments naman sa academic calendar ng ikalawang semestre AY 2021-2022.

Nagpa-alala rin ang nasabing opisina sa kanilang faculty member na gamitin ang rasonableng konsiderasyon sa pagpapapasa ng mga  course requirements, lalo na sa mga estudyanteng tinamaan ng COVID-19 at hinagupit ng Bagyong Odette.

Please remind your faculty members to exercise reasonable consideration with respect to students’ submission of course requirements, especially for those who have tested positive for COVID-19, and those in are adversely affected by the recent Typhoon Odette.” DZUP

By using this site, you are giving permission to store and access cookies, unique identifiers, personal data, and information on your browsing behavior on this device. Privacy information is available here, and terms are available here.