Dumarami ang mga kawani at mag-aaral ng mga Higher Education Institution (HEI) na bakunado na kontra COVID-19. Ito ay ayon sa ulat na inilabas ng Commission on Higher Education (CHED) noong Enero 18, 2022.
Ayon sa ulat ng CHED, 4,141,827 na ng mga mag-aaral sa tertiary level ang nakatanggap na ng bakuna. 76 percent (2,610,983) sa kanila ang fully vaccinated na, habang 24 percent naman ang single dose palang ang natatanggap.
Samantala, umabot na sa 296,400 na HEI personnel ang napaulat na nabakunahan na. 96 percent (259,159) dito ay fully vaccinated habang 4 percent naman nito ang partially vaccinated o single dose palang ang natatanggap.
Katumbas ang mga numerong ito ng 87.44 percent ng mga kawani at 63.04 percent naman ng mga mag-aaral sa kolehiyo.
“The data was derived as of January 13, 2022 from HEIs’ report as received by the CHED Regional Offices.” DZUP