Inilunsad ngayong araw, November 12 ng University of the Philippines Office of Alumni Relations (OAR) ang Alumni Email Registration (AER) para sa bonifide UP Graduates.

Ang AER ay bagong feature sa website ng OAR. Makapagbibigay ito ng sariling email address sa mga verified UP Alumni na nagtatapos sa @alum.up.edu.ph.

Maliban sa mga impormasyon sa mga events at iba pang aktibidad ng unibersidad na makukuha ng mga aabot na 300,000 alumni, ang nasabing email account ay mayroong unlimited storage.

Ayon kay UP VP for Public Affairs Elena Pernia, regalo ito ng UP para sa kanilang UP alumni dahil katuang nila ito sa pagkamit ng kanilang bisyon, paggawa ng kanilang mandato  para sa patuloy na koneksyon nito sa pamantasan.

Because the email address carries alum.up.edu.ph, it provides identification that that person indeed is a bonafide alumna or alumnus of UP. This email service provides many benefits, like unlimited storage, but most importantly, it ensures that the alumni is in touch with other alumni and will be kept updated about events, services and other opportunities that the university offers,” paliwanag ni VP Pernia sa virtual launch.

Ayon naman kay UP President Danilo Concepcion, masaya siya dahil sa kabila ng mga pagsubok sa pagpapatupad nito ay nagsimula na ito.

We are reaching out to you so we may strengthen our ties and find new avenues that will allow us to serve you better.” 

I encourage all of you to sign-up for your UP Alumni Email, expect more updates about university and alumni events, let us keep in touch and stay connected,” mensahe ni Pres. Concepcion.

Masaya rin si UP Assistant Vice President for Public Affairs at Director of Office of Alumni Relations Maria Angelica Abad dahil sa ipinakitang interest ng mga alumni na kumonekta sa pamantasan.

We are all so very proud of you, our dear alumni who we consider as ambassadors of honor and excellence in everything that you do,” pahayag ni AVP Abad.

Nilinaw naman ng OAR na ang AER Account ay hindi ibibigay sa sinoman maliban sa UP Alumni na  humihingi ng nasabing serbisyo at isang account lamang ito kada alumni. DZUP

By using this site, you are giving permission to store and access cookies, unique identifiers, personal data, and information on your browsing behavior on this device. Privacy information is available here, and terms are available here.