Binuksan na ang call for nominations para sa pagka-dekano ng University of the Philippines-College of Mass Communication (CMC).
Ayon sa CMC Facebook page, hanggang Enero 26, 2022 tatanggap ng nominasyon ang search committee nito.
“The Search Committee for the deanship of the UP Diliman College of Mass Communication is accepting nominations until January 26.”
Batay naman sa mga impormasyon na ipinalabas ng nasabing pamantasan, magsisimula ang public forum via Zoom sa Enero 31, 2022 habang sa Pebrero 2, 2022 naman gaganapin ang panayam ng kumite sa mga nominado.
Kagaya ng mga requirements sa ibang deanship nominations, kinakailangan din ng nomination letter, nominees’ curriculum vitae at acceptance letter ng nominees.
READ: Call for nominations para sa pagka-dekano ng UP SURP, bukas na
“The nominees must possess the following minimum qualifications: Filipino Citizen, commitment to academic freedom and the values and ideals of the University, distinctions or outstanding academic credentials in the nominee’s field of expertise which should be along the lines of CMC’s disciplines or fields, leadership qualities and administrative capability, must be willing to serve as dean and must consider resource generation an important function of the position.”
Maaari namang ipadala ang mga nomination kay chair ng committee na si Vice Chancellor for Student Affairs Louise Jashil Sonido gamit sa pamamagitan ng email. DZUP