Pinalawig ng Department of Broadcast Communication ng UP College of Mass Communication at ng Philippines Studies Association Inc. ang deadline para sa pagpapasa ng individual papers, panel proposals at roundtable discussion hanggang January 31, 2022.
Parte ito ng birtuwal na kumperensya is ipagdiriwang ang ika-100 taon ng Broadcasting sa bansa (1922-2022) na gaganapin naman mula October 18 hanggang 21, 2022.
READ: UP CMC to celebrate 100 years of broadcasting in PH next year
“While the conference is a celebration of the centennial of broadcasting in the Philippines, international participation is invited,” paliwanag ng imbitasyon ng pagdiriwang.
Ilan sa mga paksa na maaring ipasa para sa individual at panel presentation ay ang Advertising issues in Philippine Broadcasting; Broadcasting in Martial Law; Broadcasting and Philippine Popular Culture; Broadcasting and the Pandemic; Broadcasting in time of Duterte; Cinema in Philippine Broadcasting; Dance in Broadcasting at iba pang may kinalaman sa pamamahayag.
Dapat malaman sa pagpapasa
Ayon sa imbitasyon, ang mga ipapasang mga papel ay hindi dapat naipasa at nailabas saa numang publikasyon at hindi pa naiprinisinta sa ibang kumperensya.
“Papers must not have been published, submitted for publication, presentation at another conference, or submitted for presentation at another conference. Panels must have panel abstract as well as an abstracts as well as an abstract for each paper in the panel.”
Dapat din na magkaroon ng abstract ang mga ipapasang round table discussion. Lahat ng abstract proposal (250-300 na salita) ay dapat na maipasa sa doc at pdf format dito at ipadala sa email na [email protected]. DZUP