Sa pagtatapos ng taon, iba-iba ang pamamaraan ng mga Pinoy at iba pa para ipagdiwang at ipagpasalamat ang mga biyaya na kanilang natanggap sa loob ng nakalipas na taon.

Partikular sa University of the Philippines Diliman, malalaman mo na patapos na ang isang taon sa pamamagitan ng kanilang selebrasyon ng pagpa-parada ng mga naglalakihan at naggagandahang mga parol o ang UP Lantern Parade.

Pero dahil sa pandemya, nahinto ito noong taong 2020 kung saan ito ay napalitan ng isang simple ngunit makabuluhang programa.

Sa kabila nito, ngayong taon kasabay ng birtuwal na UP Lantern Parade ay unang beses bumuo ang UP-College of Social Work and Community Development o CSWCD ng kanilang sariling selebrasyon sa pagtatapos ng 2021—ang Parada ng Pag-ibig at Pag-asa o ang People’s Lantern Parade nitong Martes.

READ: Ugnayan at pagpupugay, birtuwal na parada ng mga parol

“Yeah, kasi for the longest time di ba, we were, we just ah participants to the lantern parade noh, pero a lot of instances na CSWCD has participated in mga activist activities, mga protesta halimbawa kapag may SONA, may CSWCD contingent imagine-nin atin kung walang pandemya for example may rally sa anti-terror law, I’m sure nandon ka,” pagpapaliwanag ni CSWCD Associate Professor and Event Organizer Carl Hapal.

“Historic” lantern parade

Inilarawan ni CSWCD Dean Dr. Sylvia Estrada-Claudio bilang “historic” ang People’s Lantern Parade dahil sa kanilang pagsisikap na maibalik ito matapos ang isang taon na pagkawala nito sa UP.

Sa kanyang mensahe sa programa na naganap sa harap ng Quezon Hall, ang pagdiriwang ng lantern parade ay siyang nagiging daan para ipaabot sa bayan ang pakikiisa sa kanilang mga pinagdaraan. 

Welcome sa historic lantern parade ng UP dahil sa ating pagpupursigi isang taon lang naputol ang lantern parade ng UP at bakit po tayo nagla-lantern parade taon-taon upang ipaabot sa ating bayan ang ating pakikiIsa sa kanila, sa kanilang mga hinagpis sa kanilang problema at sa kanilang laban at higit sa lahat para ipaabot sa bayan ang pag-asa at pagmamahal,” masiglang bati ni Dean Claudio sa mga nagsidalo sa pagdiriwang.

Ipinaliwanag din ni Dean Claudio na ang pakikibaka na galing sa puso ay pakikibaka na batay sa katotohahan at para sa lahat. 

“Bilang pong isang feminista, matagal ko nang gusto, matagal ko nang tinutulak ang isang pag-ibig na pakikibaka, isang pakikibaka na galing sa puso, isang pakikibaka na batay sa katotohanan, isang pakikibaka na ating ipaglalaban dahil para sa lahat ito hindi ho ipinaghihiwa-hiwalay ang pamilya, hindi ipinaglalaban ang kapwa mahirap sa kapwa mahirap, ang kapwa magsasaka sa kapwa magsasaka ang kapwa, manggagawa sa kapwa manggagawa.”

Kanya ring hinikayat ang publiko na gamitin ang boto para ipaglaban ang katotohanan.

“Kaya po boboto tayo para sa isang kinabukasan, nakatungtong pa rin sa pinaglalaban natin bilang mga iskolar ng bayan—ang paglaban sa katotohanan at paglaban para buong bayan at ang laban para sa mabuti, mabuti at kaginhawaan ng ating kinabukasan.”

Personal na dahilan

Bilang Volunteer Tutor sa Community Learning House, personal para kay Kenneth Peregrino ang pagdalo sa pagdiriwang dahil dala nito ang Pag-ibig at Pag-asa para sa lahat.

“As naging volunteer tutor ako sa community learning house so sinusuportahan ko yung ah way of good governance sa kanya and ayun yun yung reasons, personal reason ko kung bakit ako sumuporta dito sa parade,” paliwanag ni Kenneth.

Inilarawan naman ni Pressy Dagooc ng Barangay UP Campus at Alternative Politics Movement UP-Chapter ang gabi ng parada na pagpapasabog ng pagmamahal.

“Bigyan po natin ng masigabong palakpakan ang bawat isa, dahil sa gabing ito we radiated love, isang pagmamahal na hindi lang para sa mga sarili natin kundi hanggang sa komunidad hanggang sa kinabukasan ng susunod na salin-lahi, ang pagmamahal na titindig sa katotohanan, ang pagmamahal na titindig para sa hustisya, isang pagmamahal na may puso at prinsipyo may dignidad may integridad may tibay may tapang at husay ito ang kailangan ng bayan natin ito ang kailangan ng komunidad natin,” mensahe ni Dagooc.

Ayon naman kay UP-College of Engineering Faculty Member Tonette Tanchuling, ang pagkakaisa ng bawat isa ang siyang nagbibigay ng lakas para malampasan ang pagsubok na ating kinakaharap.

“So ang atin pong pangalan ngayon ang title ng ating parada ay parada ng pag-ibig at pag-asa yung kung titignan po natin parang uphill battle ang ating kinakaharap pero sa atin pong pagkakaisa ngayon makikita natin ito ang nagbibigay sa atin ng lakas at ng pag-asa.” Paliwanag naman ni Tanchuling.

Nanawagan din si Tanchuling na patuloy na mahalin ang bawat isa dahil ito ang magpapabago sa kasaysayan.

“Ang ating pagmamahal na ibibigay sa ating kapwa kalaban man o hindi magkaiba man ang ating pananaw patuloy natin silang mahalin at dito natin makikita ito ang nagbibigay sa atin ng pag-asa na kaya nating baguhin ang kasaysayan,” patuloy na paliwanag nito.

Matagaumpay na pagdiriwang

Ayon kay Associate Professor Hapal, nagsimula ang pagbuo ng People’s Lantern Parade sa isang maliit na grupo na nagnanais lang na ipagpatuloy ang tradisyon ng pamantasan.

“This initiative begun from small group who wanted to continue the tradition of the lantern parade, we wanted to express ourselves solidarity and ah sense of community hood by performing a parade and then soon after nagsama-sama ang mga iba-ibang mga kolehiyo, College of  Engineering, VSB, at School of Economics kaya nakakataba ng puso na we have a lot of people who had ah same aspirations and values as us so yun masaya kami,” masayang binahagi ni Prof. Hapal.

Naungusan din nito ang kanilang inaasahang dadalo na isandaan.

“We estimated a hundred people to come and ah and I think we exceeded that from the highest part, I think we had 125 participants and it’s really us standing. Ngayon yung malaking contingent, major contingents CSWCD, the College of Engineering, VSB and School of Economics, I think there were some people from CAL, may bumubulong sa akin kanina na meron ding from College of Architecture pero may isang bulto ring galing sa Barangay UP Campus.”

Binigyang-pansin naman ni UP-Diliman Chancellor Fidel Nemenzo ang pagdiriwang.

Sa kanyang mensahe sa UP Lantern Parade na nagyari kasabay ang People’s Parade, nabanggit niya na sumunod ito sa health and safety protocols.

“Pero dahil miss na miss na ng marami sa atin ang lantern parade, may ibang miyembro ng faculty na umikot kanina sa Academic Oval na bitbit ang kanilang parol, isang maliit at simpleng selebrasyon lamang ito na sumusunod sa health and safety protocols.” 

Pink bilang simbolo ng “values and aspirations

“Ang parade ah nung kinon-cede naman siya gusto namin gusto naming ipagpatuloy yung pagdiriwang ng pasko sa pamamagitan ng lantern parade ngunit ah katulad ng UP na may panawagan din sa lantern parade yung panawagan namin ay yung pagwawaksi sa diktadurya, pagbabalik ng diktadurya, pagwawasksi sa corruption at pagwawaksi sa hindi paggalang sa karapatang-pantao, pagwawaksi sa EJK at pagwawaksi doon sa historical revisionism so dun kami nagkaisa yung mga sumama rito sa parada na ito,” paliwanag ni Hapal nang matanong sa mensahe ng parada.

Ipinaliwanag din ni Hapal na ang paggamit nila ng kulay Pink bilang tema ay nagpapakita ng values at aspiration na nagrerepresenta naman nito.

“The pink symbolizes our congruence, in terms of values and aspirations that the pink—color pink represents noh, for example, the human rights accountability, good governance those are the things that we also ah we support.” 

Umaasa naman si Hapal na kapupulutan ng inspirasyon ang isinagawa nilang parada para hindi mawala ang pagbabayanihan sa pamantasan.

“I hope magsilbing inspirasyon yung parada para makita natin na hindi hindi na-eerode yung sense of community hood dito sa UP, nanatili tayong matatag despite of the challenges at sana magkaisa tayo sa ating shared values para ma-ipropel ang kaunlaran ng ating lipunan.” DZUP