Taong 2020 ng bulagain ang buong mundo ng COVID-19 Pandemic, napasara nito ang lahat ng uri ng establisyemento at ikinulong nito ang mga dati nating nakasanayan.
Ang mga ganitong pagkakataon ay hindi naging hadlang o balakid para kay University of the Philippines- Visayas Professor of Advertising and Film Professor Kevin Piamonte para mabuo ang pelikulang “SOLO.”
Kwento ni Professor Piamonte, napatalon ang kanilang grupo sa tuwa ng makuha nila ang Best Short Film sa 69th FAMAS 2021.
“As in oh my god, sigawan, may ganon as in, may murahan, eh alam mo yung cheer of happiness na and ah this believe na paano tayo nakarating dito ano nangyari as is totoo na ba to panaginip lang ba to yung ganon,” masayang pagbabahagi ni Prof. Piamonte sa DZUP.
Nominasyon
Kwento ni Piamonte, labis ang kanilang panalangin na masungkit ang nasabing award nang ito ay mapili bilang nominado sa short film category.
“Ah yung yung unang reaction namin sa nomination, actually bago niyan nung nalaman namin na kino-consider na yung SOLO for nomination sa FAMAS, yung sabi namin, sana matuloy, sana ma-nominate kahit ma-nominate lang, para at least masasabi natin na ka-level na natin si Ate V at si Ate Guy, ganon,” kuwento ni Prof. Piamonte. “So eventually, the nomination came and then, nako sabi ko Oh my god, nominado tayo, this is like one foot in but the other foot is still outside the door, so I mean the door is wide open na lang, actually it is too much to ask lalo na you know ah but siyempre, I mean you wouldn’t know what to expect next you can only just keep on hoping and wishing and praying na matuloy ang hinahangad but on the same time ah kahit sabihin mo pa na masaya na kami ma-nominate pero impokrito ka naman talaga kung sinabi mo hanggang doon na lang siguro eh kung pwede naman manalo eh panalo na di ba?“
Inabangan din ng kanilang grupo ang anunsyo ng FAMAS sa youtube channel nito para masiguro na mauuwi nila ang nominasyon. “Nung nag-broadcast sila meron silang youtube ano channel, meron silang youtube channel tapos actually ah yeah inabangan namin yon may reminder naman ang FAMAS eh na you know as in ano yung schedule anong oras yung ganon so yeah inabangan namin yon,” dagdag ni Piamonte.
Inspirasyon
Ayon kay Piamonte, ang SOLO ay kanyang nilikha para sa Quisimbing Escandor Film Festival dahil sa tema at adbokasiya sa kalusugan.
“The SOLO film actually, sinulat ko ‘to para sa Quisimbing Escandor Film Festival, eh iskolar ng bayan din yan, so di ba kasi they are ano UP-Manila yan Doctors and Medical Students and then ah kasi yung QEFF is for health and may background well was also connected sa advertising before and I use to do advocacy in advertising so since yung QEFF may advocacy siya which is for health, sabi ko ang gandang pasukan nito and then especially yung theme nila BILANG Nilalang which is about di ba yung grabe sa kasagsagan ng COVID,” patuloy na kwento ng direktor.
Kanya ring ipinunto na ang paggamit ng numero bilang pagkakakilanlan sa mga biktima ng COVID-19 ay nakakadagdag sa tinatawag na stigma.
“Sino yung mga na-COVID dadalhin sa hospital tapos ina-identify na lang sila by using a series of numbers and that happen to some friend of mine and I really felt so so bad na bakit why are we hiding identities here? we are actually adding to the stigma eh you know as in like by putting numbers as in people know na parang tinatago natin yung taong yan parang huwag natin pag-usapan yan you know yung parang ganun eh sabi ko magandang ano magandang festival ito na salihan so yun plus around that time as well, ah syempre, ano lumalabas na yung mga issues tungkol sa mental health you know kasi because of the lockdown people ay hindi makalabas mga ganon and that also happen to me.”
Mensahe ng “SOLO”
Ibinahagi rin ni Piamonte na ang nais sabihin ng kanyang obra ay dapat na mapag-usapan ang isyu ng mental health sa bansa.
“The message talaga was ah lets not reduce people to numbers you know let’s not, I mean its already very challenging to get sick and suddenly you reduce it to a series of numbers pa that’s so dehumanizing you know, that one and the other one is na ano we should put conversation about mental health on the table already, so the people were not afraid and not stigmatized to talk about mental health.”
Masaya rin niyang ibinahagi na personal na pupunta ang FAMAS para ibigay ang kanilang panalo.
“Were planning to release the original version in January kasi sa tuwa ng FAMAS that UP na nag-produce ng Film, pupunta sila, kasi I think sa tuwa ng FAMAS na UP ang nag-produce, pupunta sila rito sa January tapos gagawin nila yung awarding dito.”
“Face your fear”
“For me as in like ah as artist ah di ba laging sinasabi na we have to think outside the box kaya alam mo yon yung box na yan tayo ang gumagawa ng sarili nating kahon you know sabi nga ni Tatay Ricky– Ricky Lee, kailangan sirain kailangan mong sirain yung kahon that’s it,” pagbabahagi ni Piamonte ng tanungin sa kanyang mensahe sa iba pang future filmmakers.
Kanya ring binanggit na ang pagka-panalo sa FAMAS ay maaari ring mangyari sa katulad niyang manunulat sa rehiyon.
“I mean like wag tayong magpatalo rito and at the same time eto lang ang masasabi ko rin, yung pandemic yung virus na to hindi na to mawawala eh so we have to learn how to live with it you know and then face your fear. We are in the region so pwede talagang mangyari ‘to pwede tayong mag-FAMAS.” DZUP