Umalma ang ilang grupo sa muling pagbabalik ng face-to-face classes sa bansa na ipatutupad ng Department of Education (DepEd) at ng Commision on Higher Education o (CHED).
Sa isang Unity Statement, sinabi ng Alliance of Concerned Teachers (ACT), National Union of Students of the Philippines (NUSP), Agham, Coalition for People’s Right to Health, National Network of Agrarian Reform Advocates-Youth, Amihan, Salinlahi, Gabriela, Katribu Youth, Bagong Alyansang Makabayan, ACT Teachers Partylist, Kabataan Partylist, at Anakpawis Partylist na kulang ng “willpower” at sapat na hakbangin ang pamahalaan sa ligtas na pagbubukas ng mga paaralan sa bansa.
Bukod dito, “overwhelmed” anila ang mga LGU at school administration sa malalaking gawain na ipinasa sa kanila ng gobyerno nang walang anumang sapat na suporta at hindi anila sigurado ang mga magulang pati na rin ang publiko kung matitiyak ang kaligtasan sa nasabing in-classroom learning.
Nasa kamay rin anila ng Administrasyong Duterte ang pagtugon sa mga nabanggit na agam-agam.
Inanunsyo na ng CHED na aprubado na ng Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases o (IATF-EID) ang face-to-face classes sa lahat ng Degree Program sa higher institutions (HEIs) sa lugar na nasa ilalim ng Alert level 2 o Modified General Community Quarantine o (MGCQ).
READ: CHED bares conditions for face- to-face classes under Alert Level 2
“First, students and faculty members must be vaccinated [against the Covid-19]. Second, there is concurrence or support from the local government unit (LGU) where the university is included, and third, school facilities must be retrofitted for limited face-to-face classes,” paliwanag ni CHED Chairman Popoy De Vera.
Dahil dito, kinumpirma ng UP Diliman Office of the Vice Chancellor for Academic Affairs na kasalukuyan nang naghahanda ang pamantasan para sa pagbabalik ng mga mag-aaral nito.
Katunayan, aarangkada ang pagbabakuna sa mga mag-aaral ng UPD at UP Intergrated School sa Sabado. DZUP