Patuloy ang pagtaas ng mga bilang ng mga nabakunahan kontra na COVID-19 sa hanay ng Higher Education Institution (HEI) personnel pati na rin sa mga mag-aaral nito.
Ayon sa Commission on Higher Education (CHED), base sa ulat ng mga HEIs sa buong bansa, 87.1 percent ng faculty sa mga HEI at mga kawani nito ang nakakuha na ng kanilang bakuna.
72 percent ang itinaas nito simula nitong October 2021. Ibig sabihin nito, sa 293,058 teaching and non-teaching personnel sa bansa, 255,229 ang nabakunahan na.
Nanguna naman sa bakunadong mga tauhan ang Cordillera Administrative Region (CAR) na may 95.24 percent na katumbas ng 7,940 sa 8,337 na tauhan, sinundan ng Region 3 na may 94.08 percent, Region 2 na may 93.78 percent at Region 11 na may 92.16 percent.
Tumaas naman mula sa 46 percent sa 56.7 percent ang vaccination rate sa mga mag-aaral sa mga HEI.
Sa ngayon, sa 4,115,988 na mga mag-aaral, higit dalawang milyon na ang mga nabakunahan. Mula rito, 43.21 percent na ay fully vaccinated na habang 16.42 percent dito ang nakatanggap na ng isang ineksyon.
“The Commission is happy to report that in many regions of the country, the vaccination rate of our education frontliners have reached herd immunity levels ensuring not only their availability to join face-to-face classes but more importantly, they are helping protect their families and communities from the rapid spread of the COVID-19 virus,” sabi ni CHED Chairman Popoy De Vera. DZUP