Tumaas sa loob ng sampong araw ang bilang COVID-19 patients na tinanggap sa Philippine General Hospital (PGH).
Ayon kay PGH Spokesperson Dr. Jonas Del Rosario, 203 na pasyente ang nasa ospital nitong Enero 5, 2021.
“Just to give you an overview, for the past few weeks of December, we were seeing all-time lows in our admissions, numbering to about 30-40. In fact, on December 25, the last recorded lowest number was 30. Only 30 COVID patients in the hospital, and right now, as we speak, Jan. 5, we have 203 patients in the hospital. So if you do the math, that’s at least six times increase from the 10-day course,” paliwanag ni Del Rosario.
Binanggit din ni Del Rosario na may mga health workers na rin sa kanilang hanay ang tinamaan ng nasabing sakit.
“At the same time, we’re also seeing a lot of our healthcare workers getting sick, and these are not healthcare workers assigned to the COVID wards.”
Sinabi pa ni Del Rosario na kagagaling lang ng mga ito sa bakasyon nitong holidays. Dahil dito, maaaring nakuha nila ito sa kanilang komunidad o sa mga pinuntahan na pagtitipon.
Nahihirapan din sila na ihanda ang kanilang mga ward para mabigyang-daan ang pagbusgo ng COVID cases.
“Now, we are in a situation where you cannot just easily discharge them or turn them down, because you know, they have no other hospital to go to.” kuwento ni Del Rosario. “A lot of hospitals are also, they have their own occupancy issues. Now, it’s not that easy to flip it back.”
Dahil dito, nanawagan si Del Rosario sa publiko na manatili sa bahay hangga’t maaari at gawin ang minimum health public standards laban sa COVID-19.
Sa pinakahuling ulat ng PGH sa kanilang Facebook page, 230 na ang naka-admit na COVID-19 patient. Dalawa rito ay probable case habang 228 naman ang kumpirmadong positibo. DZUP