Nakakita ng mga paglabag sa karapatang pantao sa panahon ng pandmeya ang Coalition of People’s Right to Health (CPRH) sa pagpapatupad ng COVID-19 Restriction sa bansa nitong pandemya.
Sa kanilang isinagawang pag-aaaral na kanilang inilahad sa public forum na “DAPAT LAPAT: Karapatan sa Pandemya,” mas napagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang paghuli sa mga lumalabag sa restrictions kaysa sa pagsugpo sa problema sa COVID-19.
Sinabi rin ni CPRH co-convenor Dr. Joshua San Pedro sa forum na ginamit ng pamahalaan ang security forces para maipatupad nito ang kanilang emergency powers.
“The campaign of Coalition of People’s Right to Health has been a lot in the past two years, kung dalawang taon sa loob ng pandemya, malapit ng mag-dalawang taon, talagang sinulong ng CPRH ang Right to Health,” paliwanag ni Dr. San Pedro.
Iginiit pa ni San Pedro na nagkaroon sa panahon ng pandemya ng limitadong access sa agarang health services, nawala rin ang economic opportunities, gender-based violence at warrantless arrest na isa sa mga itinuturing na human rights violation.
Ipinaliwanag naman ni Dr. Leonor Jara, Executive Director ng Council for Health and Development ang ibig sabihin ng DAPAT LAPAT.
Ito ay ang Libreng Testing at Treatment para sa COVID-19, Agarang Contact Tracing at Genome Surveillance, Palawakin at Pabilisin ang Pagbabakuna, Ayuda at Taasan ang kapasidad ng sistema ng pangkalusugan ng bansa.
“These are the main five points, and we are asking for these, and also aside from these we would like also to say that DAPAT LAPAT ay karapatan natin and this will also highlight the grounded proactive rights based response,” sabi ni Dr. Jara. “We hope that the Philippine government will listen to us and hear our calls and also CPRH reiterates the needs for the pandemic response to be proactive and enabling and grounded to be truly effective.” DZUP