Umabot sa halos 400 ang nag-positibo sa COVID-19 sa hanay ng Philippine General Hospital.
“Two days ago, there were 310 healthcare workers approximately for the past week who turned out to be COVID-positive. Most of them are mildly symptomatic,” paliwanag ni Dr. Jonas del Rosario sa panayam ng CNN Philippines.
“But just last night, more healthcare workers were tested and we have about 86 healthcare workers who are COVID-positive,” sabi ni Dr. del Rosario. Dahil dito, umabot sa 396 ang nag-positibong staff ng PGH.
Ayon sa PGH, ang mga staff nito na may high-risk exposure na walang pinapakitang sintomas ay maaari nang magtungo sa kanilang duty, pero maari ring mapauwi kung magpapakita ng mga sintomas ng sakit.
“Some of them are probably towards the tail end of their isolation. But it’s so fluid that everyday, we are testing healthcare workers because some of them are getting really symptomatic.”
Isinara naman pansamantala ng PGH ang Outpatient Department (OPD) nitong Lunes, Enero 10, 2022.
Ayon sa PGH Public Advisory na inilabas noong Linggo, para ito sa mga gustong magpa-konsulta sa pagamutan ng hindi naka-schedule.
“We are temporarily closing the PGH-OPD for walk-in consultation and unscheduled face-to-face visits starting January 10, 2022.”
Habang sarado naman ang OPD, mananatiling bukas ang telemedicine consultations ng PGH para sa mga pangangailangang pangkalusugan.
“We will continue with Telemedicine consultation for your health concerns for now,” sabi sa kanilang advisory.
Samantala, kanselado naman ang PGH Booster dose activity para sa buwan ng Enero 2022.
Sinabi ng PGH na dahil ito sa kaunting manpower at deployment ng kawani ng nasabing ospital.
“The PGH Booster dose activity for January 2022 is postponed indefinitely due to the reduced manpower availability and the deployment of hospital staff to essential core hospital services.”
Dahil dito, hinikayat ng PGH ang mga hindi pa bakunadong kawani pati na rin ang hindi pa nakakakuha ng kanilang ikalawang dose o booster shot na kumuha nito sa mga available na vaccination site sa kanilang LGU. DZUP