Itinalaga ng Department of Education (DepEd) ang araw ng December 20 bilang Gabaldon Schoolhouses Day.
Ayon sa DepEd, layunin nitong iangat ang kamalayan at pagpapahalaga sa Gabaldon School Houses at iba pang mga heritage buildings sa bansa.
Nakapaloob din ang polisiya nito sa Republic Act No. 11194 o ang Gabaldon School Buildings Conservation Act na layunin naman na ipreserba ang arkitektural, pangkasaysayan at panlipunan na kahalagahan ng mga legacy structures.
Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, ang Gabaldon at iba pang heritage school buildings ay nagsilbi bilang pioneer sa pagkabuo ng Philippine public school system.
“Witness to historical events and personalities, Gabaldon and other heritage school buildings played a pioneering role in the development of the Philippine public school system,” sabi ni Briones.
Bukod dito, kinilala rin ni Briones ang pagpapalakas ng mga tulay o hakbang upang makamit ang mga proactive roles sa pagpepre-preserve at pagpapatatag ng ating heritage schools.
Ayon sa implementing rules and regulations (IRR) ng RA No. 11194, ang DepEd sa pakikipag-ugnayan sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA), National Historical Commission of the Philippines (NHCP) at ng National Museum of the Philippines ay mga ahensya na magpapatupad ng programa para sa pagkilala at konserbasyon ng lahat ng Gabaldon School Building sa buong kapuluan.
Ang DepEd ang siyang iipon sa pamamagitan ng Education Facilities Division (EFD) ng mga talaan o listahan ng mga paaralan na tinukoy naman ng mga Regional at School Division Offices bilang Gabaldon School Buildings o Heritage School Buildings.
“The Gabaldon Schoolhouses are forerunners and treasures of Philippine Education, it goes without saying that this nationwide project is no easy task and we call upon everyone to help and support this endeavor,” panawagan naman ni Briones. DZUP