Patok sa social media ang obrang gawa ng University of the Philippines Baguio student na si Macdaryll Malto.

Sa kanyang obra, ipinakita ng 17 anyos na mag-aaral ng Fine Arts ang kanyang talento sa pagpapakita ng hirap ng pamumuhay gamit ang miniature.

Paliwanag ni Malto, pinaghirapan niyang tapusin ang nasabing sining bilang bahagi ng kanyang requirements sa isang subject niya sa UP Baguio.

Gawa ang nasabing miniature sa recyclable at indigenous materials na pinagtagpi-tagpi gamit ang glue at pintura bilang kulay nito.

Ayon pa kay Malto, ang kanyang artwork ay nagpapakita ng tipikal na kinahaharap ng mga ordinaryo nating kababayan sa mga kanayunan at  nagpapakita ng kahalagahan sa edukasyon, pagkakaisa at responsibilidad ng ating mga lider sa pamahalaan.

Nilinaw naman ng young artist na hindi niya intensyon na ilagay ang politika sa kanyang obra na sumisimbolo sa kahirapan. DZUP